11

5 1 1
                                    


Napagusapan naming tatlo nila Ocar at Crizel na mag kikita kita sa main gate ngayong umaga dahil ngayong araw ako mag vvlog.

Balak kong gamitin ang cellphone ko nalang mismo for vlogging dahil kahit papano ay iphone naman 'to.. 6 nga lang, pero etong si Crizel ay ready ata sa lahat.

'Naka tambak lang 'to sa bahay, eto muna gamitin natin para mas maganda yung quality!' excited niyang sabi.

Pinanliitan ko siya nang mata

'Sure kabang nakatambak lang iyan sa inyo? Hindi mo binili?' ani ko

'Pre...natural binili 'to kaya nga nasamin eh.'

'Sus! Kung hindi ko pa itatary yung app na pinanggawan mo nang intro ko, hindi ko pa malalamang may bayad pala yung ginamit mo don.' napakamot siya sa ulo.

'Yaan mo na yon par, mura lang naman eh!' depensa niya

'Wag mo nang gagawin yon pre ah? Baka sabihin ng mga magulang mo na kaya kita kinaibigan dahil mayaman ka.' sermon ko sa kanya

'Hindi ganun sila Mommy alam mo yan, ano bang nangyayari sayo?' usisa niya

'Wala naman, mabilis kasing mag bago lahat sa isang iglap hahahaha'

Baka kasi maulit yung dati, mahirap na...

Nag start kaming mag vlog habang nag lalakad sa campus, actually ako lang dahil nandon lang sila sa background, nag kukwentuhan.

Mukhang close na close na nga sila ah?

Hinarap ko ang camera sa kanilang dalawa.

'These are my friends, Oscar and Crizel. Guys say hi to my vloooog!'

'Hiiiiiiii!' pabebeng sabi ni Crizel, yuck!

'Suppp mga lods! Don't forget to subcribe!' natawa ko sa sinabing iyon ni Oscar dahil nakalimutan ko iyong sabihin kanina sa nerbyos at kaba.

Maaga pa naman para sa flag ceremony, kaya naisipan naming pumunta ng canteen para mag almusal.

Hinarap ko sakin ang camera at bumulong don.

'So guys papunta tayo ngayon sa canteen dahil maaga pa naman at hindi pa kami nag aalmusal.. Or ako lang? Imposible kasing malipasan ng gutom 'tong mga 'to hahahaha.' para kong tangang tumatawa dito mag isa, nauna na pala sila sa loob.

'Lets go Ellie!' tawag sakin ni Crizel.

Hinarap ko sa daan ang camera.

Kanya-kanya kaming order, nung makahanap ng pwesto ay nag paalam muna ako sa camera na kakain lang kami.

May mangilan-ngilan ding studyante na kagaya namin ay maagang pumasok at dito napiling mag almusal.

'Kuya Hyden!' sigaw sabay kaway ni Oscar sa may likod namin, bali naka talikod kasi kami ni Crizel sa entrance at nakaharap kay Oscar.

Sabay kaming napalingon ni Crizel sa papalapit na si Hyden.

'Morning.' sabi niya

'Morning din Kuya, napaaga ka ata?' ani ni Oscar

'Uhm yeah, I have a lot of things to do today.' sagot niya dito.

Nag sign siya sa pinsan na wait lang tsaka pumunta sa counter at umoder ng almusal.

Naalala ko yung vm niya kagabi.

Ano kayang trip non?

Bumalik siya sa table namin at tumabi kay Oscar.

'Ano mahirap bang mag aral sir?' Pilyong tanong sa kanya ni Oscar

'hahaha..medyo pero kaya naman.' at nag simula na siyang kumain, medyo na op kami ni Crizel dito ah? Ay ako lang pala dahil umarangkada nanaman ang babaeng 'to.

'Sir?' singit niya sa dalawa

'Uh yeah, I'm studying Education..'

'Wowww! Eh anong year mo na po?' pareho kaming napatingin ni Oscar sa kanya.

Woah.

'2nd year...' awkward niyang sagot.

***

Habang papunta sa room ay nag vlog na ulit ako.

'So guys nandito na tayo sa hallway papuntang room, hindi ko narecord kung anong itsura ng building namin pero hindi naman na siguro yon mahalaga hehe.'

Pagpasok ng room ay maingay sila.

At mas umingay pa ng makita ang dala kong camera.

'Ohmygad nag vvlog na si Ellie!!!'

'Hi!pls follow me on my social media accounts @lady123muwah

'Uy tol ayan na ayan na!'

'Hellooo!'

May mga nag babadfinger, tsk boys!

Lumapit si Andy sa camera..

I mean sakin pala

'So nag start kana pala.' ani niya

Kuha siya sa cam pero hindi siya don nakatingin..

Sakin..

'Yeah..'

Lumabas ang dimples niya sa mag kabilang gilid dahil sa ngiti niya.

Kinuha niya ang camera sakin at inakbayan ako...

'Uyyy...'

'Bilis non tooool!

'Tapang ni lods!'

'Sana all!'

tinaas niya ang camera at finlip ang LCD display dahilan para makita ang mga sarili namin.

'Hello guys! Welcome to Ellie's vloooog! Please don't forget to subcribe on her channel and give this a thumbs up, our teacher will be here any minute now.. See you guys again, byeee!' at siya na nga ang tumapos non.

----

^-^

The Honest Pretty LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon