8

6 2 1
                                    


Simula nung iwan ko ang dalawang 'to nung nakaraang araw ay parang ako naman ang na out of place sa kanila.

Nakokornihan ako sa mga biglaang banat ni Oscar at nawiweirduhan kay Crizel.

May hindi ba ko nalalaman sa dalawang 'to?

'May plano na ba kayo sa buhay niyo?' biglang tanong ni Crizel.

Nandito kami ngayon sa Milk tea-Oi, katabi ng school na kabubukas lang nung nakaraanglinggo.

Pareho naming day-off ni Oscar, kaya heto.

Napaisip ako sa tanong niya.

'Balak kong mag STEM.'sagot sa kanya ni Oscar.

Tinanguan siya nito at humarap sakin, nag aantay ng sagot.

'Di pa ko sure.' I answered honestly

Huminga siya nang malalim.

'Gusto ni Dad mag ABM ako, ano namang gagawin ko don? Ayoko noooooon!' nag mamaktol niyang sabi.

Dumating ang order naming milk tea, kanya-kanya kaming inom don, tahimik na para bang malalim ang iniisip ng bawat isa, binasag ko ang katahimikan samin gamit ang salitang hindi ko aakalaing lalabas sa bibig ko.

'Mabuti ka nga ay may negosyong sigurado, palalawakin mo nalang...' kahit ako ay nagulat sa sinabi ko, dahan-dahan akong nag angat sa kanila nang tingin.

Para lang makita ang mga kilos nilang limitado na para bang mababasag ako anytime soon.

I gave them my sweet practiced smile.

' I mean... I agree with your Dad, he believes that you can, I think the same way for you.'

***

Free time. Kaya naman pumunta ako nang library at kumuha ng librong unang mahawakan ko don.

Umupo ako sa may lamesa na malapit sa malaking bintana na tanaw ang soccer field.

Then I put my earphones on, and played my playlist there.

I was in the middle of creating my own music video on my head when someone put a piece of paper on my table.

I was about to look who it was when he used his hand to stop me from doing what I was about to do.

Iritado kong tinanggal ang earphones at binasa ang kung ano man ang nasa maliit na papel na yon.

You're too loud, shhh:))

Nilukot ko yon at tinignan ang pinanggalingan ng nag bigay non.

It was Hyden!

Napapagitnaan kami nang isa pang table.

Mag isa siya don at tahimik na nag aaral. Para namang nawala ang inis ko nang makita ang view na yon.

Parang ang relaxing kasi...

Choz!

Nilagay ko ang isang earphone sa tenga ko at nagulat sa lakas non.

What the?

Nakarinig ako nang mahinang pagtawa. Tinignan ko ulit siya na tinaasan lang ako nang isang kilay.

Taray!

***

Hindi ako pumasok ngayon sa trabaho, nag text ako kay Oscar na sabihing masakit ang ulo ko.

Well totoo naman pero hindi masyado, gusto ko lang talagang mag pahinga.

Nag yoyoutube ako at nanonood ng mga mv kanina, pero hindi ko alam kung pano at bakit about vlogging na ngayon ang nag pplay sa screen ko.

Nalaman kong malaki pala ang kita nang vlogger, subcribers and views ang kaylangan...

Nag search ako kung mag kano ang mga kagamitan para dito.

At sa ipon ko dito....

Ay kaya kong bumili non...

-----

^-^

The Honest Pretty LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon