Dalawang linggo. Dalawang akong nag part time sa fastfood chain malapit sa bayan.Maaga akong umaalis dahil sa klase at mga alas onse na ng gabi kung umuwi dahil sa trabaho.
Ako lang ang nakakaalam ng routine kong 'to.
Dahil ang palusot ko kila mama ay may research kaming kailangang tapusin, ramdam kong pinag hihinalaan nila ko pero lagi akong pagod kung umuwi kaya siguro hindi na nila ko kinokompronta pa.
Ang alam naman ni Crizel ay maaga ako laging umuuwi dahil walang katuwang sa bahay.
Sa dalawang linggo na yon ay nag kapera ako. Kung tutuusin ay pwede na kong tumigil sa pag papart time na 'to, pero naisip ko sila Mama at Papa kaya pagpapatuloy ko pa 'to.
Pumunta kong mall at hinanap agad ang store ng pagawaan ng salamin sa mata.
8,500 pesos ang nagostos ko sa punyetang salamin na 'to.
Pagtapos ay nag grocery ako nang kaunti at umuwi na.
Inabot ko kay Mama ang ilan sa tirang pera, may inipit na din akong 500 para sakin. Inamin ko kay Mama at Papa ang pinag gagagawa ko netong nag daang mga araw.
Pinakita ko din sa kanila ang salamin na pinalitan ko.
Nagulat ako nang sabi ni Mama na alam niya daw na nag papart time ako sa fastfood chain dahil tuwing uuwi daw ako ay amoy pagkain ako.
Nakalimutan kong matalas nga pala ang pang amoy niya haha.
Pinagalitan ako ni Papa dahil nag dedesisyon daw ako nang sarili pero dahil malakas ako sa kanya ay huminahon din siya.
Pagkahiga ko sa kama ay dama ko ang pagod sa katawan, dahilan kung bakit ako mabilis nakatulog.
Kinabukasan ay late na ko nagising.
'Good morning po, sorry Im late.'
'Pang ilan mo na yan, Miss Guiterrez.' ani ng teacher
'Sorry po..'
'Gawin mo pa yan at may kalalagyan ka talaga.' masungit na sambit pa niya.
Pag upo ko ay huminga ako nang malalim tsaka nilabas ang kwaderno at ballpen.
I was taking down notes when someone put a yakult and sneakers on my table.
It was Oscar..
A form of little smile flashed on my lips.
'Thanks..'
He smiled back then nod.
***
'Ang busy mo netong mga nakaraan pre ah.' si Crizel habang nginunguya ang kitkat na binili sa canteen.
Nag lalakad kami ngayon papuntang court, baka sakaling nandon si Hyden.
Dala-dala ko ang maliit na eco bag na nag lalaman ng salamin niya.
Pagpasok namin sa loob ay nag lalaro nga sila.
May mangilan-ngilan na nonood, karamihan babae at may ibang binabae.
Umupo kami sa may bandang gitna, dahil baka kami or worst ako naman ang mataaman ng bola.
Matatangkad ang mga nag lalaro don gaya ng inaasahan, ngunit mas lamang siya dahil sa mas hubog ang katawan nito kumpara sa mga kalaro.
Pumwesto siya sa tres at ng makahanap ng pagkakataon ay dinribol niya ito ng dalawang ulit tsaka tumalon..
Pasok!
Nag sitilian ang mga nanonood, pero mas lamang ang masakit sa tengang tili ng mga binabae.
'Daddy, Daddy, go Papa! Fajardo! Fajardo! Go! Go! Love!!!!!!' cheer nila.
Grabe malayo pa ang intrams pero heto sila.
Humingi ng water break ang kalaban, kung kayat papunta ang mga manlalaro sa kanilang mga upuan kung asan ang tubig at towel.
'Hyden!!' sigaw ni Crizel mula sa tabi ko.
Hinanap ng nanliliit na mata ni Hyden kung sino iyon.
Maya-maya pa ay nag lagay siya nang...
Salamin....
Para makakita ng maayos...
Halos sumabog ang dibdib ko sa galit.
Mabilis na pinuntahan ko ang pwesto niya at kinuha ang kamay sabay lagay ng eco bag dito.
Mabilis ang paghinga kong tumingin sa kanya.
'Sana sinabi mo agad na meron ka naman palang ibang magagamit.. Hindi yung nagpakahirap ako para lang mapalitan yang put@ngin@ng salamin mo!!!' pigil na sigaw kong sabi sa kanya.
Naiiyak ako sa galit!!!!!
Pumunta ako nang room at naupo sa upuan ko.
Sinalpak ko ang earphones tsaka nag patugtog don.
Dito ako narerelax
Pumikit ako at tumingala
Maya-maya pa ay may naramdaman akong malamig sa noo ko, tinignan ko kung ano yon dahil ang sakit sa ulo, may tumulo pang konting tubig mula dito.
Pag dilat ko ay may hawak na dalawang ice cream si Oscar, binigay niya sakin ang isa na nag alanganin akong tanggapin.
'Palamig ka muna...ppfftt' ani niya kinuha ko nalang yon at nag pasalamat sa kanya.
'T-thanks..' umupo siya sa upuan niya sa tabi ko
Hindi na siya umimik at kumain nalang din.
Buti pa 'to alam tahimik hindi kagaya ni Crizel na ang ingay-ingay..
Asan na nga pala yon? Bakit hindi ata agad ako sinundan ngayon?
------
^-^
BINABASA MO ANG
The Honest Pretty Liar
Teen Fiction'Well, I apologize for mean hurtful accurate things I said.' then I giggled.