'Pumasok kapa.' lingon na bati sakin ni Crizel na sa harap ko nakaupo.'Miss mo naman agad ako.' I answered then I smirked.
'Asa.' at nakinig kinigan na ang gaga sa teacher na nagtuturo sa harap.
Math ang subject ngayon kaya naman nilabas ko agad ang notebook ko at nag take down notes.
Kadalasan nagegets ko naman agad pero putcha hindi ko alam kung bakit hindi ko magets ang topic namin ngayon, siguro kasi hindi ko nasimulan?
Para akong nanonood ng tv na walang sounds, unti-unti na rin akong hinihila ng antok.
Papikit na ko nang marinig ang pagbagsak ng libro sa sahig nitong katabi ko.
Kaya naman napaayos ako nang umupo at bahagya siyang sinaaman ng tingin.
'S-sorry..' ani ni Oscar
Ibinaling ko nalang sa iba ang atensyon ko sa inis.
Tae gantong inaantok ako, wag kayong ano!
Nakakunot ang noo kong nakahalukipkip at nakatingin sa kung saan. Naramdam ko ang paglingon sakin ni Crizel at ilang sandali ay nag lagay ng sneakers sa table ko.
Tago ko namang kinain yon na nakapag paganda ng mood ko.
'Bat kaba kasi late?' tanong ng gaga habang naglalakad kami papuntang canteen.
'Di ako nakapag alarm.' simpleng sagot ko
Ng matanaw nanamin ang canteen ay hinila niya ako tsaka mabilis na nag lakad papasok.
Liminga-linga si Crizel na tila may hinahanap. Nakita kong kumaway sa may dulo si Ruzell kasama ang mga kaibigan niya.
Hihilain niya ulit sana ako pero nag papigil ako.
'Kung lalandi ka, wag mo na ko idamay pa.' napairap siya sa sinabi ko
'Wag na wag kitang makikitang mag kakajowa ha! Namo!' ani niya
'Kita na lang tayo sa room.' pumunta na ko sa may pila dahil gutom na ko, hindi ako nag almusal kanina dahil sa tarantang late na ko.
Hindi naman sapat ang sneakers na bigay ni Crizel, mga tatlo siguro oo. Choz.
Mag isa ako sa table malapit sa exit. Dalawa kanina yung upuan dito pero sinadya kong tanggalin yung isa, mahirap na... nag kalat pa naman ang malalandi sa mundo.
Kinuha ko mula sa bulsa ang earphone tsaka nag patugtog sa cellphone.
Crizel's POV
'Ang lungkot naman ng kaibigan mo, ganyan ba talaga yan?' tanong ni Enrico, isa sa mga kaibigan ni Ruzell.
Napatingin ako sa kaibigan kong kumakain mag isa.
Naalala ko kung pano siya idescribe ng mga kakilala ko noon.
Freshmen days
'Sino ba yon?' tanong ko sabay nguso sa babaeng nakadukdok sa table niya.
'Sino ba jan? Si Oscar ba? O si Ellie?' patanong na sagot ni Yen
'Yung babae' sagot ko
'Ah si Ellie yan, bakit?' tanong sakin ni Jamie
'Wala naman, parang ang sama lang ng tingin niya sakin kanina habang nag papakilala ako sa harap.' ani ko
'hahahaha asa ka pa jan, eh daig pa niyan si Oscar na may sariling mundo.' singit ni Jamie
'Ano ba siya nerd?' dagdag na tanong ko pa
'Medyo' si Yen
'Huh?' ako
'Lam mo kasi hindi naman siya honor, pero wala naman din siya sa mga bagsak.' paliwanag ni Jamie
Tatango tango ako
'eh yung katabi niya?' patukoy ko sa lalaking natutulog din ata
'Si Oscar, hindi ko alam kung nerd ba yan or ano pero kagaya ni Ellie, weird din siya mas weird actually.' Si yen
Present
'Oo ganyan yan, pero hindi yan malungkot. Mas gusto niya pa ngang mapagisa kesa makasama mga chismosong kagaya mo.' nagtawanan ang mga kaibigan nila kasama na si Ruzell.
Asar talo naman ang mokong.
'Baby you want this?' alok sakin ni Ruzell ng pizza, kinuha ko naman yon at nag thank you sa kanya.
'Daming langgam, shet' parinig ni Gio
'Wala namang bastuhan bro!' ani ni Jayson
'Mga gagoe!!' si Ruzell
'hahahahaha!'
Ellie'sPOV
Komportable akong nakaupo sa upuan ko habang tamang scroll lang sa fb, sharing memes hehe. Wala pa namang teacher kaya, okay lang.
Etong katabi ko naman mula day1 ay as usual, nag babasa ng manga.
tinapik ko nang mahina ang balikat niya.
Nag angat siya nang ulo ngunit ang mata ay sa libro parin, tss.
Nag lapag ako nang yakult sa may gilid ng desk niya.
Binaba niya ang librong binabasa tsaka binuksan ang yakult.
Nag cheers kami tsaka sabay na uminom.
'thanks...' ngiting sabi niya dahilan kung bakit nakita ang braces niya.
Sa ilan taon naming magkaseatmate, medyo close kami....medyo lang.
Feel kong ayaw sa kanya nang mga kaklase namin dahil sa weird niyang personality.
Parang wala naman 'to sa kanya at kahit siguro hindi ko na tanungin ay halata namang masaya siya sa buhay niya.
I find it cool.
'Start na ng club this week, be ready.' huling habilin ng teacher namin bago umalis.
'Exciteeeeeeed na kooooo!' patiling sambit ni Crizel.
'Excited tumayo? Pfftt hahaha' asar ko sa kanya
'Volleyball?' singit ni Oscar
'you care bacause?' nakapamewang na tanong sa kanya ni Crizel
Tinignan lang siya ni Oscar tsaka bumaling sakin.
'Yeah. Table tennis?' sagot at atnong ko, tumango siya at tinapik ang balikat ko bago kami nilagpasan.
'That weirdo is rude.' angal ni Crizel
'Yeah.. Which is you. Hahaha!'
----------
^-^
BINABASA MO ANG
The Honest Pretty Liar
Ficção Adolescente'Well, I apologize for mean hurtful accurate things I said.' then I giggled.