6

4 1 0
                                    


Ilang buwan ang lumipas ay naging malapit kami ni Oscar.

Si Crizel? Ayun busy sa baby niya, may band pala kasi sila Ruzell at ang tropa niya.

Etong si Oscar naman ay minsan kong narinig na kausap sa phone ang Mama niya about sa pera.

Ng mangyari yon ay nag kwneto siya sakin.

Nangungupahan pala siya dito sa Maynila tiga Baliuag, Bulacan papala kasi sila.

Sinabi kong may pinagpapart time- man job ako, at kung interesado ba siya.

Natuwa siya non sa sinabi ko at nung araw din na yon ay nag apply siya.

Ngayon ay mag katrabaho na kami.

Madalas kaming sabay kumain bago umuwi, pagtapos ay inaatay niya din akong makasakay ng maayos bago kami mag hiwalay.

Madami akong nalaman sa kanya, hindi naman daw sila ganun kayaman o kahirap..
Pero ng dahil sa kaadikan niya sa anime ay medyo tumagilid ang allowance niya.

Isa pang nalaman kong sikreto niya ay....

Crush niya si.....

Crizel....

PPfffffttt hahahaha

Sinabi ko sa kanyang may boyfriend ang kaibigan ko, pero sabi niya crush lang daw naman kaya okay lang, medyo may pag kamartyr din pala 'to.

'Punta kana.... Sige na pls huhu wala akong kausap doooon.' pilit niya sakin

'May trabaho nga ako.' kanina ko pa sinasabi yan pero parang alien word ata yon na di niya gets.

'Sige na please.. Sama mo si Crizel...'

Ayuuuuun. Nasabi din ang kanina ko pa inaantay na sagot.

'See? Si Crizel ang kailangan mo hindi ako, kaya bat pa ko pupunta don? Isa pa...sayang ang kita no!'

'Eto naman tampo agad, kayong dalawa kasiiiiii, gusto ko din makaclose yon....tsaka lilibre kita nang dinner 1 week straight promiseeee!' tinignan ko siya nang masama

'Pretty pleaseeeeeeeee!' at nag beautiful eyes pa ang loko.

Kung ako tatanungin? Mas bet ko 'to kesa may Ruzell para kay Crizel.

Di ko kasi talaga feel ang lalaking yon lara sa kaibigan ko.

'Yieee papayag na yan!' tukso niya sakin

'Pag di siya pumunta, di din ako maliwanag?' nag tatatalon ang loko sa tuwa, tss. Siguraduhin lang nito na tutuparin niya pangako niya. Malaking menos din yon sa kita ko.

Natutulungan ko na kasi sila Mama at Papa kahit papano, and promise sobraaaaaang saya sa pakiramdam!

***

'Ano ba kasing ginagawa natin dito?' kanina pa reklamo ni Crizel.

'Tsaka kanino bang bahay 'to?' dagdag pa niya

'Ewan ko, sabi ni Oscar dito daw eh.' nandito kami ngayon sa may tapat ng medyo malaking kulay brown na gate.

Chinat ko si Oscar kung asan na ba siya at nandito na kami ni Crizel.

Kanina niya pa hindi ni rereplayan mga chat ko at puro delivered lang pero nung may Crizel na ay agad niya iyong sineen.

Punyeta

'Ellie!' rinig kong tawag ni Oscar sakin

Kunwari pang nagulat ang loko ng makita kung sinong kasama ko

'K-kasama ka pala, C-Crizel..' sabay kamot sa batok, kita ko ang pamumula ng tenga niya, yuck!

'Oo, wala kasi akong kasama. Eto nga pala si Oscar...Crizel' hinampas naman ako nang gaga

'Tanga! Mag kakaklase tayo malamang kilala ko yan!' asik niya

'Ah.. Eh.. Pasok na tayo... tara..' pauna ni Oscar na siyang sinundan ko

'Wait nga, wait nga!' nilingon namin si Crizel

'Kanino bang bahay 'to? Sayo? At sino bang may birthday? Tsaka kelan pa kayo naging close?' sunod-sunod niyang tanong.

'Sa tita ko at pinsan ko ang may birthday, para naman sa huling tanong mo ay dahil yon sa matagal na kaming mag kaklase, ano ayos na ba?' nag palitan sila nang masasamang tingin, pero imbis na awatin ay kinilig ako bigla, luh.

'Kamusta nga pala banda nila Ruzell?' nakita kong nag bawi ng tingin si Oscar at nauna na sa loob na siyang sinundan namin.

'Ayos naman, ang galing nila! Ayaw mo kasi akong samahan eh di mo tuloy nakita.' pag mamaktol niya

'Sorry na, busy ako eh yaan mo next time.' suyo ko

'Busy busy sus! Ilan taon ka palang? 17! At kung umasta ka ay parang 20 plus na sobrang busy sa negosyo!' natawa ako

'Hahaha dadating din ako jan.'

Pag pasok namin sa loob ay salungat sa inaasahan naming party party.

Puting kisame, makinis na mga tiles at puting pader din na may katamtaman na paintings.

Tahimik ang paligid, payapa.. Relaxing..

Sa may bandang bago mag sala sa gitna ay may paikot na hagdan papuntang second floor.

Ang ganda!

Lumiko kami pakanan..

'Dito niyo nalang ilapag regalo niyo.' turo ni Oscar sa may di kahabaang lamesa na may mga regalo ding nakalagay.

Bago kami pumunta dito ni Crizel ay nag aya siyang mag mall muna para bilhan ng kahit ano yung celebrant.

Hindi naman nasabi ni Oscar kung babae o lalaki ba ang pinsan niya kaya bumili nalang ako nang unisex na pang regalo.

Dalawang layer Cake naman ang dala ni Crizel na may nakasulat na 'Happy birthday, whoever you are!' sinabi ko sa kanyang ayusin niya yon pero hindi ako inintindi ng gaga dahil una sa lahat ay pera niya naman daw yon..

At may point siya don..

May isa pang lamesa kung saan nandon ang mga handa na mukhang kakaluto lang.

'Napaaga ata kami?' si Crizel

'Hindi naman, tama lang.' sagot ni Oscar

Lumapit ako nang kaunti sa loko at bumulong.

'Mukhang may kaya ang tita mo ah, close ba kayo?' curious na tanong ko

'Medyo, pero mas close ko yung pinsan ko.. Kahit na medyo tahimik yon.' ani niya

Pumunta siya sa dalawang magkatabing ref..

Oo, dalawang magkatabing ref..

Like wow!

Pagharap niya samin ay may pack na siya nang yakult.

Binutas niya yon at binigyan ako nang isa, inalok niya si Crizen na tinanggihan yon dahil baka daw sumakit ang tyan niya.

'So... Ano ba gagawin namin dito?' bored na tanong ni Crizen, sinamaan ko siya nang tingin pero inirapan niya lang ako.

'You have your guest already?' tanong ng isang pamilyar na boses.

'Kuya Hyden!' tawag sa kanya ni Oscar

What the.....

--------

^-^

The Honest Pretty LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon