Pak!Wala sa sariling palo ko sa bola, naoutside nanaman 'to pakaliwa at.......... kita kong tumama mismo sa mukha ng lalaking nakaupo sa unahan ng bench.
'Sorry! Sorryyyy! Sorry!!' paulit ulit kong sabi hanggang sa makalapit ako dito.
Napatingin ako sa may paanan ko nang may narinig na parang nabasag.
Salamin
Pinulot ko yon at kitang naputol din ang frame sa gilid, dulot ata ng bola kanina.
Dahan-dahan akong nag angat ng tingin sa lalaki na ngayon ay nanliliit na ang mga mata.
'S-sorry...ppffftt' pigil ko sa aking tawa.
Pano ba naman kasi mukha siyang ewan.
'You broke my glasses and still have the guts to laugh?'
Sungit.
'Sorry, hindi ko sinasadya...' sinseryong sabi ko
'Is your sorry can....' tinuro niya ang salamin niya na hawak ko 'fix my glasses?' tsaka tumingin sakin.
'Nag sosorry na nga diba?! Tsaka kasalanan ko ba kung tinamaan ka nang bola? Una sa lahat hindi ko naman sinasadya yon at baket ka ba kase dito pa sa unahan nakaupo?!'
'Ellie!!!!!' awat ni Crizel na hindi ko man lang namalayan ang paglapit.
Tinignan niya ko na para bang namangha siya sa sinabi ko.
Binaba niya ang tingin sa sariling damit... Upuan.... Kasamahan na nanonood pala samin... At sa paligid..
Ngayon ko lang napansin na naka basketball jersey pala siya...at nandito kami sa court nila....
Eh ano naman ngayon?! Time pa namin no!
Kinuha niya ang towel at inumin tsaka tumalikod samin.
'Palitan mo yan.' ani niya nang wala man lang lingon-lingon.
'Ellie tara na-'
Hindi ko inintindi si Crizel at hinabol ko ang lalaki, mabilis siyang nakaliko pakaliwa dahil sa mahahaba niyang biyas.
'Waiiiiit!!'
Hindi parin siya huminto at dirediretso lang.
Tinakbo ko na ang agwat namin at hinawakan siya sa damit.
Dahilan kung bakit niya ko nilingon.
'Look.. Sorry na nga okay? Hindi ko naman talaga sinasadya eh, tsaka wala akong pamalit dito..'
Binitawan ko ang jersey niyang maliit kong hila kanina ng mapansing nakatingin siya don.
'Problema ko yon?'
Abaaaa! Tignan mo nga naman 'to!
***
'Ano ba kasing nangyayari sayo? Kanina sa practice puro ka outside..'
Sermon sakin ni Crizel, nan dito kami ngayon sa Unli wings sa tapat ng school namin.
Sinabi ko nang wala akong budget pero ang napakaganda kong kaibigan, libre niya daw hehe.
'Sinisigawan kita na "Focus Ellie!" pero parang wala kang naririnig.. Ano ba kasing nangyari?' tsaka siya sumimsim ng juice.
Sumubo muna ako at uminom din tsaka siya sinagot.
'Kagabi kasi pababa sana ako para kumuha ng tubig...' pabitin kong kwento
'Oh tapos?' nanlalaking matang tanong niya
'tapos...'
'Tengene.. TAPOS? ANO?? TAPOS ANOO?! BILIS ANG KWENTO NANJAN NA SUNDO KO!'
'Wala naman.. Narinig ko lang sila Mama at Papa..' sabay kagat ko sa may tereyaki flavor na wings
'Omg.... Tapos? Ano... nakita mo?' what the..
'Hindi, narinig ko lang' silang nag uusap sa malaki naming problema..
Kaya hindi rin ako ganong nakatulog kagabi kakaisip.
Lumabas sa ilong ko ang ilang kanin matapos magulat sa pag hampas sakin ni Crizel.
Ang gaga tawa ng tawa, mabilis na nilabas ang cellphone at napicturan pa nga!!!!
'Anyways, inferness yung huling outside mo par ah... Natamaan mo si Hyden.'
Kinunutan ko siya nang Noo.
Hyden?
'What? Hindi mo kilala si Hyden? Ang tagal tagal mo nang nag aaral dito? That's Marc Hyden Fajardo bro!!!'
Nadidismayang sabi niya.
***
Pagkauwi sa bahay ay bagsak agad ako sa kama.
Ang dami ko na ngang iniisip dumagdag pa yung salamin nung Hyden na yon!
Kinuha ko sa bulsa ng bag ko yung salamin niya.
Kulay itim ang frame nito na may maliit na guhit na red sa mag kabilang suotan. Natanggal yung sa left side non at yung salamin mismo ay may lamat ng maapakan ko kanina.
'Mukhang mahal pa naman 'to..' bulong ko sa sarili.
Nag takip ako nang unan sa mukha tsaka nag sisigaw at nangisay ngisay.
'BWISIT! BWISIIITTTT! BWISEEEEEEEETTTT!'
Napaupo ako pagkatapos at kinausap si kurtong ulupong(teddy bear kong mukhang alimango pero hindi na kulay orange)
'Bat ba sakin niya pa pinapapalitan 'to eh wala nga akong peeeeeeera!'
-------
^-^
![](https://img.wattpad.com/cover/227327694-288-k748440.jpg)
BINABASA MO ANG
The Honest Pretty Liar
Fiksi Remaja'Well, I apologize for mean hurtful accurate things I said.' then I giggled.