CHAPTER 2

1.8K 52 0
                                    

Pagkatapos namin mag-usap, humiwalay na rin kami ng direksyon. Kaya naglalakad ako dito sa may field mag-isa at hinahanap ang magaling kong ex. Tss  hindi nga ako nagkamali, nakita ko syang nakikipag-usap sa mga kabarkada habang tumatawa pa sila. Nawala naman ang sila'y ng ngiti nito nang mapansin akong nakatingin sa kanya kaya umiwas agad ako ng tingin at naglakad na muli.

Damn! Bakit parang hindi ko masabi sa kanya? Dahil ba masasaktan ako sa magiging resulta? hindi ko alam kung ako ba lalapit sa kanya o hindi pero kailangan kong lumapit dahil kakausapin ko sya. Hays bobo ka sab!

"Sab!"

Napatigil naman ako sa paglalakad at bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Fvck! Bakit ang lakas pa rin ng epekto mo sakin kevin?

Lumingon naman ako sa kanya at kita ko sa mga mata nya na parang nagliliyab sa galit kaya yung kaba ko kanina ay mas lalong nadagdagan. Paano ko sasabihin sa kanya eh mukhang matatameme ako?

"B-bakit?" Kinakabahan kong tanong at saka yumuko. Nahihiya akong makipagtitigan sa kanya dahil pakiramdam ko matutunaw ako sa bawat pagtatama ng aming mga mata.

"Sinusundan mo ba ako?" Parang may pagkainis sa tono nito kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"A-ano?" tanong ko dahil mukhang nagiging assuming ata ang gag*ng to! Eh ngayon ko nga lang ulit sya nakita! Ulopong!

"Tsk you know sab? We're over! Kaya tigilan mo na ako! Itigil mo na rin yang kahibangan mo!" Sigaw nito kaya napatingin samin ang ibang estudyante na dumadaan dito sa may parte namin. Napansin nya ang mga matang nakatingin samin kaya hinila nya ako papunta sa rooftop.

Nang makarating kami agad kong binawi ang kamay ko sa kanya at napakagat ng ibabang labi dahil pakiramdam ko mapapaiyak na ako.

"Look sab! May fiancé na ako at si-----" i cut him off.

"Ruth" sambit ko at saka tumingin sa mga mata nya.

"I love her and i know she loves me too" teka! Sinasadya nya bang sabihin yan para masaktan ako? Psh.  Oo aamin ko, may tumusok sa puso ko para masaktan ako. Paano pa kaya kung sinabi kong buntis ako at sya ang ama? Fvck!

"K-kevin...
. Y-yung n-n-nangyari--- he cut me off .

"Kalimutan mo na kung ano man ang nangyari satin ng gabing y-----" hindi ko na sya pinatapos pa dahil  nagsalita na ako. Sana tama ang desisyon ko na sabihin sa kanya. Tatanggapin ko na lang siguro na masasaktan ako.

"B-buntis ako k-kevin" nakapikit na sambit ko at saka yumuko. Nangingilig na rin ang kalamnan ko at pakiramdam ko bibigay na rin ang tuhod ko.

"W-what!? Are you insane sab! Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo!?" Sigaw nito sakin kaya napapikit ako. Ang kanina ko pang pinipigilang hikbi ay kumawala na.

"I-i'm 2 weeks p-pregnant k-kevin, at i-ikaw a-ang----"

"Tsk! Eh di ipalaglag m---pak "

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya dahilan para mapangiwi ito at mapabaling ang ulo pakanan dahil sa sakit.

"How dare you kevin! Hindi ko alam na ganyan kakitid ang utak mo!" Sigaw ko rito at saka sinuntok ang dibdib nito dahil sa sobrang galit ko. T*NGIN* hindi ko inaasahan na gusto nyang ipalaglag ang anak namin?.

"ANONG KLASE KANG AMA!" sigaw ko rito. Kita ko ang inis at galit nito, nakaramdam ako ng takot kung ano man ang maari nyang gawin pero nanaig pa rin ang lakas ng loob ko para sigawan sya.

"THE SECRET MULTI-BILLIONAIRE'S SON"(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon