CHAPTER 8

1.5K 46 0
                                    


♡HELLIANAH


Bumaba naman muli ako at dumiretso sa kusina para uminom. Katatapos ko lang kasi manuod ng kdrama sa taas.
"Oh nasan na ang mga tao dito?" Tanong ko sa aking sarili ng mapagtantong wala ng tao kung saan ko iniwan sila anpa kanina na nag-uusap.

Hays. Pakealam ko ba sa kanila, as long as baby hunter is safe.

Binuksan ko na yung malaking ref at kinuha yung pitcher. Dahan dahan ko naman sinalinan ang hawak kong baso  bago ibalik muli sa ref ang pitcher.

Lumagok muna ako ng isa at naglakad papunta sa living room.

"Yaya where's hunter?" Tanong ko sa isa naming maid nang makita ko itong palapit sakin.

"Ma'am nasa pool area po kasama si Sir Trev" kumunot naman ang noo ko itong tiningnan.

"Huh? Sinong trev? Ikaw yaya ha hwag kang magtiwala kung kani-kanino lalo na't hindi ko kilala" saad ko rito, namutla naman ito at napakamot na lang sa kanyang ulo. Aakitin ko sana kung gusto nyang hingutuan ko sya baka kasi may kuto.

Joke yun tawa kayo. :>

"Ma'am 'di nyo po kilala si Sir Trev?" Nagtatakang tanong nito kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Magtatanong ba ako kung hindi?" balik kong tanong dito.

"Ay sorry ma'am, siya po kasi yung blah blah blah blah" Hindi ko na ito pinatapos dahil iniwan ko na. Bigyan ko na lang siguro ng limampiso mamaya para may kausap sya.

Nagtungo naman ako kung saan naroroon si baby hunter.

Inilagok kong muli ang isang basong tubig na hawak ko bago sumandal dito sa may gilid ng glass door kung saan kitang kita mula dito ang buong pool area.

Naningkit naman ang mata ko dahil tama nga ang sinabi ni yaya emily, nandito si baby hunter and he's with Mr.H. psh bat nandito pa ba yang lalaking yan?

Teka? Ito ba ang sinasabi ni yaya emily na si Trev?  Trev huh? Psh. Bat ba ang init ng dugo ko sa lalaking to.

Tinitigan ko naman ang anak ko na masayang masaya habang nakikipaglaro sa mga toys nya kasama si Trev kuno.

Kita ko ang saya sa mata ng anak ko habang nakikipaglaro kay trev. Hindi ko naman maiwasan na tingnan din si trev dahil kita kong may tuwa sa mata nya habang nakikipaglaro kay baby hunter.

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako dun.

Anong problema mo heart? Kailangan ko na bang magpacheckup?

"Bagay silang mag-ama"

Mas lalo naman kumalabog ng mabilis ang puso ko sa gulat dahil na rin sa biglang sulpot ni kaizer dito sa tabi ko. Teka? Bakit nandito pa rin tong abnoy na ito?

Imbes na tanongin ko ito, binalik ko na lamang ang paningin ko sa dalawang nagtatawanan.

"Hays" buntong hininga ko.

Tama nga si kaizer, kung pagmamasdan ko ang dalawa para talaga silang mag-ama.

Ganyan din kaya kasaya ang anak ko kung si kevin ang kasama nya?. Hmp. Kung hindi ka lang sana naging duwag kevin, ikaw sana ang nasa lugar ni trev. Kasama mo sana ang anak mo ngayon.

Kaso hindi eh napakaduwag mo, tinakasan mo ang responsibilidad mo bilang isang ama ng anak ko. Kaya kung magkita man tayong muli, hinding hindi ko ipapakilala sayo ang anak mo.

At tungkol naman kay daddy, kay ahas at sa inahin nitong ahas din. Ipapamukha ko sa inyo kung paano naging ginto ang tinuring nyong basura noon.

I'm not the old Sabrina Atienza na isang basura noon.
I am now Hellianah Aeia Sullivein  na isang ginto na ngayon.

"Chill, kawawa naman yung baso" Nabalik naman ako sa wisyo nang may narinig akong nakakasar na tawa sa gilid ko.

Hindi ko napansin, masyado ko na palang pinanggigilan yung baso.

Napairap naman ako kay kaizer at dahil sa inis binuhos ko sa mukha nya yung nangangalahating tubig sa loob ng baso ko.

"Fvck!" Mura nito ngunit tinawanan ko lang. Pinunasan naman na nito ang mukha nya at sinamaan ako ng tingin.

"Galit ka? Gusto mo kumuha pa ako ng tubig?" Pang-aasar ko dito ngunit pilyong ngiti lang ang isinagot nito.

"Sure pero mas gusto ko ng juice para may kulay saka kung pwede dalhan mo na rin ako ng sandwich, nakakagutom kasi eh"

Tinaasan ko naman ito ng kilay at saka inirapan ngunit nakakaasar na tawa na naman ang binigay nito sakin. Hays kaizer is always a kaizer. At walang gamot sa kagaya nyang abno.

Siguro ilalayo ko na sa kanya ang anak ko dahil baka mahawaan lang ang anak ko. Tsk

"Btw, parang ang lalim ng iniisip mo kanina ah at pati baso pinanggigilan mo. Tungkol ba ito kay kevin at sa family mo?"

"Bakit ka nandito? Diba may trabaho ka?" Walang ganang tanong ko dito at hindi ko manlang pinansin ang tanong nya.

Bumuntong hininga naman ito at saka maayos na tumayo at inilagay ang dalawang kamay sa loob ng kanyang magkabilang bulsa. Nanatili naman akong nakatingin sa masayang naghaharutan sa may pool.

"Hmm. Tama nga ako, iniisip mo pa rin sila" napa"tsk" na lang ako dahil sa sinabi nya. Bakit ba pinag-uusapan namin ang ganitong kaseryosong bagay? Hays.

Sandali naman namayani ang katahimikan saming dalawa. Tanging hagikhikan lang nila baby hunter at trev ang maririnig.

"Past is past kaizer, kaya hwag na nating pag-usapan" basag ko sa katahimikan naming dalawa.

"Ikaw na rin nagsabi, past is past pero bakit mo pa rin sila iniisip?"

"Kasi may isip ako" pamimilosopo ko dito kaya napa"tsk" naman ito at saka umiling iling.

"Kung ako sayo, hahayaan ko na lang. Because based on your situation you can't do anything but to accept it"  aniya.

Tumingin naman ako sa kanya, ngunit nakapukaw ang atensyon nito sa dalawa na papalapit samin.

Ibinaling ko na ang aking tingin kila baby hunter na kumakaway sakin habang naglalakad palapit samin. Kinawayan ko rin naman ito at saka nginitian.

I think kaizer is right, wala na akong ibang magagawa kundi ang tanggapin na lang kung ano ang nangyari. Dahil once na kinalimutan mo ang sakit, babalik pa rin ito kapag pinag-usapan. Kaya mas mabuti na rin ang tanggapin. Tanggapin na hindi na muling maibabalik ang dati.

"Mommy!" Tawag pansin sakin ni baby hunter at saka yumakap sa dalawang binti ko. Ngumiti  naman ako at yumuko saka hinalikan siya sa noo.

"Gosh, baby! Basang basa ka na ng pawis!" Asik ko dito saka pinunasan ang leeg nya gamit ang oversized tshirt ko.

"Pawisan din si trev oh! Di mo ba pupunasan?" Birong saad ni kaizer kaya tiningnan ko naman si trev KUNO! Basang basa nga ito, pero pakealam ko sa kanya?

"Bakit? Anak ko ba sya?" Pagtataray ko at saka binuhat na si baby hunter papunta sa loob para paliguan.

Rinig kong humagalpak ng tawa si kaizer ngunit nakarinig rin ako ng malakas na sapak. Teka? close ba sila? Kelan pa? Ha? Ha?

"Babye Mr.H , Laro po ulit tayo ha" malakas na sigaw ng anak ko at winave pa ang kamay nito.

Hindi naman na ako nagtangkang lumingon pa kung ano ang reaksyon ni Mr.H or ni Trev KUNO.

Pero mukhang nag-enjoy ang anak ko. I'm happy for him. Hindi naman sya biniyayaan ng mabuting ama, atleast may mga taong nagmamahal sa kanya at tinuturing na bilang isang anak.

~*~

VOTE AND COMMENT!

"THE SECRET MULTI-BILLIONAIRE'S SON"(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon