CHAPTER 14

1.6K 52 4
                                    



Uminom muna ako sa isang baso ng lemon juice na inihanda samin ni samantha. Nandito kami sa may sala niya, kinuwento ko naman ang lahat ng nangyari sakin mula sa kung paano ako ipagtabuyan ng mga atienza, hanggang sa pagtulong sakin ng isang misteryosong lalaki upang mapunta sa puder ni anpa.

Halos durugin naman na ni sam ang basong hawak niya dahil sa inis nang malaman niya ang ginawang kahayupan nila daddy sakin.

"Alam mo sab! Este Hell? Lian? Lianah? Elli na nga lang!" Sabay kamot nito sa kaniyang ulo. Sinabi ko na kasi sa kaniya na hindi na sabrina ang pangalan ko.

"Alam mo elli! Kung ako sayo pagkatungtong ko pa lang dito sa pilipinas, maghihiganti na ako! Ipapalamon ko sa kanila ang mga binitawang masasakit na salita na binigay nila sayo!" malakas na sigaw nito kaya napahawak ako sa magkabilang tainga ko.

Tumingin naman ako kay baby hunter na kumakain ng clubhouse sandwich sa isang single couch, nakaheadphone ito at nakatutok ang atensyon sa kaniyang cellphone.

Sana lamang at hindi niya naririnig ang mga pinag-uusapan namin. Ito naman kasing si sam! Ang lakas ng boses!

"Ano ba sam! Marinig ka naman ng anak ko" madiing usal ko dito, inirapan naman muna ako nito bago dumampot ng isang pirasong piatos sa tabi niya at kinain ito.

"Syempre may tainga ya'ng anak mo kaya maririnig ka ! Ano ka ba naman elli, ginagawa mo pang bingi ang anak mo! Sa gwapo nang anak niyo ni kevin? tapos gaganyanin mo? Ano  ka ba naman"

Napapoker face naman ako sa sinabi nito. 2020 na ganito pa rin ugali niya jusko? Pero seryoso! Namiss ko ang gagang ito.

"Maiba ako, hindi ba niya hinahanap ang kaniyang daddy which is, si kevin?" Bulong nito pero sakto na para marinig ko.

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.

"Simula nang makilala niya si kaizer, hindi na niya hinanap pa kung sino ang tunay niya'ng ama. Siguro dahil na rin sa tinuturing siyang anak ni kaizer" Mahinang sagot ko habang nakatingin kay hunter na busy pa rin sa kaniyang ginagawa.

"Alam mo sab este elli, hindi ko maintindihan ang pagmumukha ng anak mo na 'to eh! Look! Sobrang gwapo oh kumpara sa mukha ng kaniyang  ama na mukhang ipis!" Sambit nito at saka lumapit kay baby hunter, nang mapansin ito ng anak ko agad nanlaki ang kaniyang mata. Ngunit huli na para pigilan niya ang ginawa sa kaniya ni sam dahil pinanggigilan nito ang kaniyang pisngi.

"Oh diba! Ang gwapo gwapo ng anak mo, at hindi talaga siya nagmana kay kev---------wahhhhhhh mommy there's a cockcroach! Mommy! There's a cockcroach!"

Agad naman kaming napatingin sa itaas nang may sumigaw na bata at dali-daling bumaba.

T-teka? May anak na rin siya?

Tinitigan ko naman ito na papalapit na samin ngayon habang may yakap itong isang malaking teddy bear.

Nilingon naman ito ni sam ng nakapokerface at binitawan na ang pisngi ng anak ko.

"Mommy! There's a cockcroach in my room!" Nagtitiling sigaw muli nito habang nakaduro pa ang kamay sa itaas.

Kumunot naman ang noo kong tinitigan ang batang babae. Bakit parang may kamukha siya? I mean bukod sa nakuhang hugis ng mukha ni sam, may kahalong mukha rin ng isang taong nakilala ko sa L.A?  siguro kamukha lang ng ama nito. pero sino?

"Baby, si ate inday lang yun' nakita mo haha" matawa-tawang saad ni sam kaya napatawa naman ako. Kahit kailan talaga ang bruhang 'to, dinamay pa talaga si ate inday.

"THE SECRET MULTI-BILLIONAIRE'S SON"(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon