CHAPTER 13

1.4K 44 2
                                    


♡HELLIANAH


Nabuhayan naman ang buong diwa ko ng may yumogyog sa balikat ko.

"Mommy! Wake up! Let's eat then let's go to the park and.... and... and.. eat ice cream! Mommy! " Malakas na sigaw ni hunter habang hindi pa rin tinitigil ang pagyugyog sa balikat ko.

"Hmm baby, inaantok pa si mommy, later na lang okay?" Paos na sambit ko sa anak ko at hindi magawang imulat ang aking mata dahil inaantok pa rin ako.

"Ehh mommy!" Pangungulit pa rin sakin nito pero nanatili pa rin akong hindi gumagalaw at hindi siya pinapansin.

Gusto ko mang bumangon na pero hindi pa rin kaya ng katawan ko dahil antok na antok pa ako.

Tumahimik naman na ito at itinigil na ang pag-uga sa aking balikat. Good baby, hwag mo muna istorbohin si mommy.

Makakatulog na sana ako nang may maramdaman akong mainit at malambot na labi sa aking ilong, sinundan naman ito sa noo at sa magkabila kong pisngi, dahil sa gulat napamulat ako.

"Kiss ko lang pala katapat mo mommy eh!" Humagikhik na sambit nito habang nakatingin sakin.

Napatawa naman ako saglit pero agad ding pumikit kaya tumigil ito sa pagtawa nya.

"Ehh mommy!"

"Kiss mo ulit si mommy" Ngiting sambit ko sa anak ko dahil pakiramdam ko ay nagtatampo na.

Kiniss naman agad ako nito sa ilong at saka ngumiti.

"Isa pa dito pa sa pisngi ko oh!" Kunwari nagtatampo kong usal at tinuro ang pisngi ko. Nagmulat naman na ako at saktong Ngumuso ito , napansin ko rin na namumula ang dalawang tainga niya. So cute!

"Hmp tutulog na lang ulit ako" nagtatampo kong saad at saka muling pumikit. Ngunit naramdaman ko naman na bigla ako nitong kiniss sa pisngi ko kaya napangiti na naman muli ako.

Agad ko naman hinila si baby hunter pahiga sa kama at saka pinanggigilang niyakap ko ito.

"Ang sweet talaga ng baby ko!" Gigil kong saad at saka tinadtad sya ng halik at kiniliti. Humagikhik naman ito ng malakas at sinasangga ang magkabilang braso para pigilan ako.

"M-mommy stop it, let's eat na " Pagpipigil pa rin nito sakin habang patuloy pa rin sa pagtawa.

Tumigil na ako sa pagkiliti sa kanya at niyakap siya ng mahigpit, naramdaman ko din naman na niyakap nya ako pabalik.

"Baby, promise me na 'di mo iiwan si mommy ha?" Wika ko dito habang nakayakap pa rin sakin. Tumango naman ito at kumalas mula sa pagkakayap sakin at saka bumangon at umupo sa may gilid ko.

Ganun din naman ang ginawa ko at saka sinuklay ang buhok nya palikod gamit ang kanang kamay ko.

"Bakit naman po kita iiwan, eh love kita" ngiting sambit nito at yumakap sakin.

Napangiti rin naman ako at hinalikan ang buhok nito.

"Talaga, hindi mo iiwan si mommy promise?"

"Promise mommy!" Masayang turan nito at saka kumalas na ng yakap sakin dahil hinalikan ako nito sa noo. Lalo naman sumilay ang aking ngiti mula sa aking mga labi.

Halos maiyak na ako dahil sa tuwang nararamdaman. Sobrang saya ko dahil binigyan ako ng ganitong klaseng anak na nagbibigay ng lakas ng loob sakin.

"You know what mommy? I'm super happy because you're my mommy, and i won't let anyone hurt you...... again"

Bigla ko naman siyang niyakap ng mahigpit at palihim kong pinunasan ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay dahil may mga likidong nagsiunahang umagos dito.

"THE SECRET MULTI-BILLIONAIRE'S SON"(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon