CHAPTER 4

1.6K 44 1
                                    

~CONTINUATION OF  FLASHBACK~

Isang buwan at isang linggo na ang nakalipas nang mamalagi ako sa pamamahay ni Don miguel. Iisa lang ang masasabi ko, napakabait nya at tinuturing akong bilang  kapamilya.

Medyo maayos naman na ang pakiramdam ko kaya paminsan minsan tumutulong ako sa mga kasambahay dito sa mga gawaing bahay. Ngunit pinipigilan nila akong tumulong sa kanila dahil sa nagdadalawang tao ako at baka daw makasama sa baby ko kaya tumitigil na rin naman ako sa pangungulit.

Lagi naman akong nagsusuka kaya inaalalayan nila ako at inaalagan na ipinagpapasalamat ko na naman.

Isa rin sa napansin ko dito, ang babait lahat ng katulong. Well mabait din naman ang kanilang amo.

Pumasok na ako sa loob ng mansion dahil tapos na akong magdilig ng halaman sa garden. Buti naman at hindi na nila ako pinigilan pa sa pagdidilig ng mga halaman.

Buwan na rin ang itinagal ko dito ngunit ngayon ko lang inilibot ang aking paningin sa malapalasyong mansion na ito. Ang masasabi ko lang, sobrang ganda lalo na ang mga paintings na nakadikit sa pader na mukhang milyon ang halaga ng bawat isa.

Nagawi naman ang tingin ko sa isang picture frame kaya nilapitan ko ito at tinitigan.

Isang gwapong lalaki at isang napakagandang babae, napatingin naman ako sa batang maliit na babae. Ngiting ngiti ito sa picture at walang iniindang problema sa mundo. Base dun sa picture, mukhang masaya silang pamilya.

Pangarap kong magkaroon ng kompleto at masayang pamilya pero hindi rin natupad. Dahil namatay si mommy. Haist

Then now, mukhang hindi ko pa maibibigay sa anak ko ang magkaroon ng kompletong pamilya.

Pero pamilyar  sakin yung batang babae. nagkita na kaya kami nito?

Inilipat ko naman ang paningin ko sa isa pang frame, i think it's their wedding picture. Masayang masaya talaga sila, sino ba naman kasi ang hindi sasaya kapag kinasal ka sa taong mahal mo at mahal ka diba? Katulad nila ruth at kevin . Mahal nila ang isa't isa. Haist bakit ko ba sila iniisip?

Bumalik naman ako sa tinitingnan ko, kumunot naman ang noo ko dun sa litrato ng lalaki. Si don miguel ba itong nasa larawan? Infairness ang gwapo talaga nya nung kabataan pa nya pero parang kamukha talaga siya ni mommy eh.

Hmm. Siguro nagkataon lang, siguro nga.

Tatalikod na sana ako nang may mahagip ang mata ko na ikinagulat ko. Agad akong napahawak sa litrato ng isang babaeng nakangiti. Katulad ng ngiti ng isang batang babae kanina. 

Nabasa ko sa ibaba ng picture ang maliit na nakasulat na.

Sullivein Family.

S-sullivein? Tanong ko sa aking isipan.

Muling tiningnan ko yung larawan ng babae. Hindi ako nagkakamali, mula sa ngiti nito, sa mata, sa hugis ng mukha at sa kagandang taglay nito.

Bakit hindi ko kaagad napansin ang larawang ito?

Maluha luha kong hinaplos ang larawan but i feel happy at the same time. Masaya sya sa litrato that's why i miss her so much!

"M-mom" bigkas ko at tuluyan ng humikbi.

"M-mom i-i m-miss y-you"

Hindi ako nagkakamali, she's my mom! From the way she smiles on the picture i know it's her. Damn! I miss my mom so much! I really miss her!

Tumigil naman na ako sa pagiyak at mabilis na pinunasan ang pisnge ko na nabasa na pala ng luha ko. Nakaramdam ako ng presensya ng tao sa likoran ko kaya agad akong lumingon dito, nang mapagtanto kong si don miguel pala, nagulat naman ako lalo na sa sinabi nito.

"I miss her too" may lungkot sa tono ng pananalita nito. hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon pero automatiko kong niyakap sya ng mahigpit, ganun din naman sya sakin kaya napahikbi na naman ako.

"I miss my daughter, i miss your mom, apo" umiiyak na sambit nito. Lalo naman akong napaiyak, so simula tama na pala ang hinala ko. Kung bakit nya kamukhang kamukha si mommy. Dahil anak nya si mommy.

-

"Hindi ko alam na pinagmamalupitan ka pala ng mga Atienza" madiing sabi nito habang may hawak na isang baso ng alak.

Nandito kami ngayon sa loob ng office nya, tinanong nya ako ng tinanong hanggang sa mapakwento ako tungkol sa mga pagmamalupit sakin nila daddy.

Hindi ko nga alam na matagal na pala akong hinahanap ni don miguel, which is ang lolo ko na ngayon. Nang malaman ko ang tungkol dun, sobrang saya ko dahil may natitira pa palang nagmamahal sakin.

Nakapatong naman ang dalawang kamay ko sa hita ko habang nakayuko.

"They will pay for what they have done to you apo, hindi ko papalampasin ang pang-aalipusta nila sayo"

"L-lolo, hayaan nyo na lang po si--" he cut me off .

"Anong hayaan? Pagkatapos ka nilang saktan at pagtulong tulongang apihin!? At hindi lang yun! Itinakwil ka nila bilang isang Atienza!" malakas na sigaw ni lolo kaya napapikit ako ng madiin, kinagat ko naman ang ibabang labi ko para mapigilan ang paghikbi. hindi ko alam na magagalit sya ng sobra dahil sa pananakit nila daddy sakin.

"Tama lang na ipinagdamot sayo ang pagiging Atienza dahil mas nababagay sayo ang pagiging Sullivein" dugsong nito kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Apo, tutal nandito ka na sa puder ko hindi ko na hahayaang may mananakit pa sayo, sa inyo ng anak mo. Kaya kahit labag man sa kalooban mo ang magiging desisyon ko para sayo ay gagawin ko" Aniya

"Ayaw kong maranasan mo ulit ang ginawa nila sayo . I am not Don Miguel Sullivein for nothing apo. Handa akong pumatay kapag may nagtangkang tapakan ang isang Sullivein" muling sambit nito. nagpipigil naman akong umiyak dahil sa sinabi ni lolo . Hindi ko alam na ganito pala kabait ang daddy mo mommy, napakaswerte mo dahil may ganito kang ama. samantalang ako, tinuring na basura ng sarili kong ama.

Nanatiling tikom naman ang bibig ko, halos wala na akong masabi dahil sa mga salitang binibitawan niya sakin.

"Napagdisisyonan ko na sa ibang bansa ka na dumistino, at dun mo palakihin ang batang nasa sinapupunan mo. Gusto kong maayos na lumaki ang magiging apo ko sa tuhod" saad nito at saka ininom ang natitirang alak sa baso nya.

Hindi na ako tumutol sa mga sinabi nya dahil hanggang ngayon tikom pa rin ang bibig ko. Marami man akong gustong itanong sa kanya ngunit naipasangtabi ko na lamang.

Pero merong nabubuong isang malaking katanungan sa isip ko. Sinabi ko sa kanya na nabuntis lamang ako dahil sa isang pagkakamali na hindi ko naman pinagsisihan.  Ngunit imbes na alamin nito kung sino ang ama ng anak ko ay hindi manlang ito nagaksaya para magsalita, bagkus palihim itong napangiti. Hindi kaya? alam na nya na si kevin ang ama ng anak ko?

*END OF FLASHBACK*

~*~

VOTE AND COMMENT!

"THE SECRET MULTI-BILLIONAIRE'S SON"(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon