CHAPTER 16

3.4K 107 101
                                    


♡HELLIANAH

Nakaub-ob ako ngayon dito sa ibabaw ng table ko.

Wala si kaizer dahil may meeting na naman kaya ako lang ang mag-isa sa opisinang ito.

Hindi ko naman maiwasan na muling isipin ang nangyari kahapon.

Fvck! Kung alam ko lang na siya ang makikita ko sa lugar na iyon! Hindi na sana ako nagpauto sa babaeng inutusan ako! Damn that girl! Kapag nakita kong muli ang pagmumukha ng babaeng 'yon! Humanda siya sakin.

'Di ko akalain na sa ganung sitwasyon kami magkikita? tsh!

"Argghhh! Nakakainis!" Nanggigigil na anas ko sa aking sarili nang maisip ko muli ang nangyari sa pagkikita namin ni kevin!

Binalewala mo ako noon tapos ngayon? Nagmamakaawa ka na balikan kita ngayon?  Psh!

~FLASHBACK~

"S-sabrina?"

Gulat na tanong nito at hindi makapaniwalang nakatingin sakin.

Tiningnan ko lang siya at akmang lalabas na ng biglang isarado niya ang pinto at pinihit ako paharap sa kaniya.

Ikinalma ko muna ang sarili ko bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"S-sabri--------- Don't call me sabrina, hindi ako ang sabrina na tinutukoy mo" Malamig na saad ko sa kaniya at hindi ko manlang sya tiningnan sa mata.

"L-let's talk ple------ Sa pagkakaalam ko wala na dapat tayong pag-usapan pa" putol ko

Wala naman na talaga dapat kaming pag-usapan dahil tinapos niya na lahat noon!

"Just let me expla---- Okay, I'll give you 5 minutes to explain" diretsang saad ko at niset pa ang oras sa wrist watch ko.

Hindi naman siya mapakali sa inasal ko kaya napangisi ako.

"W-what 5 minut------"

"Alright, 4 minutes... 3 mins left" walang ganang sambit ko bago siya tingnan ng walang emosyon. Nakita ko ang pagtulo ng pawis nito dahil mukhang hindi niya alam kung anong uunahin niyang iexplain.

See? Sa sobrang dami niyang kasalanan halos hindi na alam kung ano ang uunahin. Psh

"Mukhang wala ka ng balak magsalita, i think i have to go now"

Tatalikod na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko at mabilis akong hinila at saka mahigpit na niyakap na ikinagulat  ko.

"S-sab, I-i'm sorry" Rinig kong bulong nito habang nakasubsob ang mukha sa may leeg ko.

Para naman akong natuod sa kinatatayuan ko. Masyado akong nagulat dahil sa ginawang pagyakap niya sakin ngayon kaya hindi ko kaagad siya naitulak palayo sakin.

Ramdam ko ang bawat hininga niya sa aking leeg, habang mahigpit pa rin siyang nakayakap.

Parang wala ako sa sarili dahil hindi ko manlang alam ang gagawin ko dahil sa mga nangyayari.

Aaminin ko, may parte sa puso ko na natutuwa pero may parte din sa puso ko na dapat layuan at kalimutan ko na ang taong ito.

Akmang itutulak ko na siya ngunit hindi niya hinayaan na magkahiwalay ang aming katawan.

Mali to, hindi dapat ganito. Dapat layuan ko siya.

Remember Lian? Binalewala ka niya noon kayo ng anak mo! Tapos simpleng yakap lang niya? bibigay ka na? Nasan na ang lakas ng loob mo na ipamukha sa taong ito na wala na siyang karapatan sa 'yo at sa anak mo!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"THE SECRET MULTI-BILLIONAIRE'S SON"(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon