CHAPTER 12

1.5K 44 2
                                    

☆KEVIN

"Good Morning Sir Kevin, hinihintay na po kayo ni Don Maximu sa office niya"

Tumango lang ako sa isang security guard nang sabihin niya 'yon sakin. Pumasok naman na ako sa loob ng building at nagtungo na sa elevator , saka pinindot ang ika 58th floor kung saan ang office ng hukluban.

Ang matandang yun psh. Akala ko ba magtatagal sila ni dad sa singapore? Bakit agarang umuwi agad siya dito sa pilipinas?

Tss

Naramdaman kong tumigil na ang elevator hudyat na nandito na ako sa ika58th na palapag.

Lumabas naman na ako nang magbukas ang pinto ngunit may nakasalubong akong isang lalaki, nagkabanggaan pa kami ng balikat kaya nailingon ko ito  para tingnan kung sino, ngunit bago ko pa masulyapan kung sino 'to  sumarado na ang pintoan ng elevator.

"Psh" tanging naibulalas ko na lang bago nagpatuloy sa paglalakad. Pinagpag ko naman ang balikat ko gamit ang kaliwang kamay at saka inayos ang aking necktie.

Hindi ko na naisipan pang kumatok nang makarating ako dito sa tapat ng pintuan ng office niya dahil pumasok na agad ako.

"Finally you're here" walang ganang bungad sakin nito. Napabuntong hininga naman akong lumapit sa kaniya at saka umupo sa may bakanteng upuan katapat ng table niya.

Sinulyapan ko naman muna siya saglit pero umiwas din agad ako.

"Wala ka bang sasabihin sakin apo?"

"Kayo ang nagpapunta sakin dito baka nakakalimutan mo" walang ganang sagot ko sa kaniya. Tumawa naman ito bago ipagsiklop ang kaniyang dalawang kamay sa ibabaw ng table niya.

"Ngayon na lamang muli tayo nagkita tapos walang buhay na kevin pa ang ihaharap mo sakin"

"What do you want me to do? Kumanta at sumayaw sa harapan mo? Tss" inis na sambit ko dito ngunit bahagya lamang itong tumawa.

"May sasabihin ka pa ba lolo? Cause you're just wasting my time" Muling saad ko sa kaniya  bago nagpagpasyahan nang tumayo at lumakad sa may pintuan para lumabas ngunit napahinto ako nang magsalita ito.

"Maupo ka" Maawatoridad na utos nito kaya wala na akong nagawa pa kun'di ang umupo muli.

"Nag-usap kami ng daddy mo tungkol sa kaniyang kumpanya na ililipat sa pangalan mo"

Parang nabuhayan naman ako ng loob nang sabihin niya iyon sakin. Tiningnan ko siya ng nakangisi.

Buti naman at may plano pa kayo tungkol sakin, akala ko babalewalain nyo na naman ang kagaya ko. Psh

Turan ko sa aking isip.

"Ngunit ibibigay lamang niya iyon sa iyo sa isang kondisyon" ngising saad niya sakin kaya ang kaninang ngisi ko ay napalitan ng pagtataka.

"What is it?" Kunot noong tanong ko sa kaniya. Lalo naman lumawak ang ngisi nito dahil sa tanong ko.

"Bigyan mo ako ng apo sa tuhod"

Natigilan naman ako sandali ngunit bumalik din sa katinoan. Kita ko pa rin ang pagngisi nito sakin.

"What the fuck? Are you damn serious lolo? Wala pa sa plano ko 'yan!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hindi ba't bali-balitang handa ka nang magpakasal sa bunsong anak ni Alfred Atienza?"  Umayos naman ito ng upo at saka sumandal sa kaniyang swivel chair habang nakatingin pa rin sa'kin hanggang ngayon.

"THE SECRET MULTI-BILLIONAIRE'S SON"(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon