CHAPTER 11

1.4K 37 0
                                    

♡HELLIANA


Nakaupo  at nagpapahinga ako ngayon dito sa may gilid ng fountain habang umiinom ng tubig na nabili ko kanina sa isang convenience store na nadaanan ko.

Ngayon ko lang napansin na marami pa lang nagjojogging din dito at nag eexcercise, well maganda kasi ang panahon dito ngayon. Kaso mas maganda nga lang ako. Hays

Hindi ko naman maiwasan ang mapatingin sa mga magjowang nagkukulitan sa may isang bench, yung iba naman nagkukwentohan, yung iba naman ang sweet  kung tingnan, yung iba naman nevermind.

Ganyan rin kami dati, pero nang dumating si ruth. Boom!  tinuklaw niya si kevin kaya napasakanya. Hays iba talaga ang nagagawa ng ahas sa panahon ngayon.

Pero sana hindi na magkitang muli ang mga landas namin.

Nawala naman ako sa pag-iisip nang may marinig akong nakakabinging tilian at sigawan sa may likoran ko. Kaya dahil sa isa ring akong chismosa tumayo ako at saka lumapit sa mga pinagkukumpolan ng mga babaeng tili ng tili.

Punyemas, wala rin naman palang pinagkaiba ang mga babae dito sa L.A. Parang mga pilipino lang rin tss.

Sumingit naman ako sa mga babaeng sigaw ng sigaw, talon ng talon, tili ng tili. Bakit ba ako nakikisalamuha sa mga babaeng ito?

hays. lian! Hwag mo sabihing makikitili ka din?

Bigla ko naman naitulak yung isang babae dahil nasiko yung dede ko. "Punyemas, kapag ito nagkabukol. Pipisain ko yang dede mo" sabi ko sa aking isip. Hindi ko naman na pinansin ang babaeng naitulak ko nang mapaupo ito sa sahig pero pakiramdam ko, sinamaan niya ako ng tingin.

Nang makalampas ako sa babaeng kumpolan, hindi ko naman maiwasan ang manlaki ang aking dalawang mata dahil sa nasasaksihan.

May dalawang lalaki na nagpupush up at base sa itsura nila ay parang wala lang sa kanila ang ginagawa . Well lalaki sila kaya posible.

Tinitigan ko naman ang dalawa at pinagmasdan. Ngunit halos manlaki na naman ang dalawang mata ko nang makilala ko kung sino ito.

"T-trev? And v-vart?" Gulat na bulong ko sa aking sarili. Hindi nga ako nagkakamali! Si kidnaper at si malanding pilipino! Gosh? Anong naisipan nila at nagpupush up sila in public!?

Papansin ganun?

Nakagat ko naman ang ibaba kong labi nang utay utay lumilibot ang aking paningin sa katawan ni trev. Kita ko ang pangingintab ng leeg at dalawang magkabilang braso nito  dahil sa pawis. Habang tumataas baba ang kaniyang katawan, hindi ko maiwasan makita ang pandesal nito na halos pumutok na.

Nakasuot siya ng sandong itim na malaki ang butas sa may gilid kaya kitang kita mo ang nasaloob ng sando. Fvck! Bakit parang ang manyak ko ngayon? Gosh!

Ano ba lian! May anak ka na kaya tumigil ka okay!?

Lalo naman tumindi ang sigawan at tilian ng mga babae dito nang sabay na tumayo si trev at si vart, agad na hinubad nila parehas ang suot nilang sando . Ngunit kay trev nakatutok ang paningin ko kaya mula sa kinatatayuan ko , kitang kita ko na ang maputok putok at basang basa niyang abs. Slow motion sa paningin ko ang bawat paggalaw niya maging ang paghubad niya  ng utay utay sa suot niyang sando. Slow motion din sa aking paningin ang dahan-dahang pagpatak ng kaniyang pawis mula sa leeg papunta sa basang basa nitong katawan.

Nataohan lang ako ng malaglagan ako sa paa ng hawak kong isang bote ng mineral water.

"Fvck" mahinang mura ko at napapikit  sa sakit. Hays naman!

Pumadyak pa ako sandali para maimpit ang sakit pero 'di kalaunan nawala na ang paghapdi nito. ibinalik ko naman muli ang tingin sa dalawang papansin.

Ngunit biglang bumilis ng tibok ang puso ko nang magtama ang paningin namin ni kidnaper. This time, unti-unting nawawala ang mga tao sa paligid ko, tanging si trev lang ang aking nakikita. Mas lalo naman nadagdagan ng kaba ang nararamdaman ko, nang ngumiti ito sa akin.

Fvck? Anong meron sa ngiti niya? Bakit parang nadadala ako?

"Hey not interested!"

Napakurap naman ako ng maraming beses bago ibinaling ang tingin sa lalaking sumigaw at papalapit na ngayon sakin.

Dahil sa boses na iyon, nawala ang atensyon ko kay trev.

Nagtinginan ang mga kababaehan sa may direksyon ko pero 'di gaya ng mga pinoy na bibigyan ako ng sama ng tingin, yung tipong mas masama pa sa mukha nila. Kinikilig na nakangiti sakin ang mga babae dito ngayon . Yung walang halong pamemeke!

"Hey, beautiful" ngising sambit muli nito sakin pagkatapos lumapit, ngunit iniikot ko naman ang mata ko bilang sagot sa sinabi niya.

Nakakairita talaga ang malanding lalaking ito.

Hindi  ko maiwasan na tingnan muli si trev na nakatingin saming dalawa. I mean masamang nakatingin, kahit hindi ko makita ang dalawang mata niya masasabi ko talagang masama ang kaniyang tingin samin.

Nang makaramdam ako ng takot, mabilis na akong tumalikod at saka patakbong umalis.  Hindi ko na nagawang lingonin  siya maging si vart dahil sa kaba.

Fvck! Anong meron sa lalaking yun? Ang sama ng awra! Gosh nakakatakot!

Pero lamang pa rin naman ng tatlong beses na ligo si Kevin kesa kay trev.

Kahit mapanakit.

~*~

VOTE AND COMMENT!

"THE SECRET MULTI-BILLIONAIRE'S SON"(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon