CHAPTER 1

2.1K 36 5
                                    


♡SABRINA

"Congratulations misis, you are two weeks pregnant"

"Congratulations misis, you are two weeks pregnant"

"Congratulations misis, you are two weeks pregnant"

Wala sa sarili ako ngayong naglalakad habang paulit ulit pumapasok sa aking isipan ang sinabi ng doctor. Hindi ko akalain na magbubunga ang kamaliang nangyari samin ng gabing iyon. But it was just an accident! Parehas kaming lasing that night at hindi namin alam ang ginagawa namin. Nagising na lang ako na hubo't hubad habang katabi ko sya like wtf!

Damn!  Bakit sa dinami-rami ng tao sa bar siya pa? Bakit siya pa ang nakabunggo sa'kin ng gabing iyon? And worst! Hinayaan kong ibigay ang sarili ko sa kaniya na hindi naman dapat! Fvck!

Bakit hindi ko agad napansin na siya 'yun!?

Arghh! Hindi dapat nangyayari 'to sakin!

Naiinis ako sa sarili ko, dahil naging pabaya ako!

Fvck! Ano ng gagawin ko? Alam kong hindi nya matatanggap na anak nya ang dinadala kong ito! Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya at hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin kay dad at kung ano ang magiging reaksyon nila! Haist!  I'm a big dissapointment for them .

Napahawak naman ako sa pisnge ko at marahang pinunasan ang umaagos na luha rito.

Haist

Heto na naman ako umiiyak dahil sa kanya.

Napatigil naman ako sa paglalakad at hinawakan ang tiyan ko, medyo hindi pa naman to malaki dahil 2 weeks pa lang naman pero hindi ko maisip na may tumitibok na pala at may nilalang na nasa tiyan ko.

Lalo naman akong napaiyak at malumanay na hinahagod ang tiyan ko.

"Baby, kung itakwil at itanggi ka ng iyong  ama bilang anak niya, don't worry baby i'm still here for you, 'di ka iiwan ni mommy." sambit ko habang nakayukong hinihimas ang tiyan ko.

Mapait naman akong ngumiti bago pinunasan na ang likidong umaagos kanina pa sa magkabilang pisnge ko. Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad habang hawak ang mga resulta ng check up ko kanina.

Bigla ko naman itong nabitawan maging ang bag na dala ko dahil sa nasagi kong isang lalaki. Nagsikalat ang mga papel kaya kaagad naman akong yumuko para pulutin ito.

"Sorry" sambit ko na lang habang hindi tumingin sa nakabunnggo kong lalaki.

Akala ko dumiretso na sya at hindi nya ako narinig pero laking gulat ko dahil isa isa nitong dinampot ang mga resulta ng check up ko. Medyo natigilan pa ito dahil mukhang nabasa yung nakalagay sa papel.  Napatingin naman ako sa hawak nya kaya mabilis ko na lang itong hinablot sa kanya at saka dali-daling tumayo at inayos na ito.

"Pasensya  na ulit" nahihiyang tugon ko sa kanya. Hindi ko naman na sya muling binalingan pa ng tingin kaya mabilis na akong nagtungo kung saan nakaparada ang kotse ko.

Medyo magdidilim na rin ng dumating ako sa mansion namin, inayos ko na muna ang sarili ko bago pumasok sa loob.

Nakakabinging katahimikan naman ang namayani  sa kalooban nitong mansion kaya napahinga ako ng maluwag bago humakbang patungong kwarto ko. Ngunit napatigil ako dahil sa may nakakatakot na boses ang nanggaling sa may bandang likod ko.

"Where have you been sabrina?"

"K-kay samantha po dad" pagsisinungaling ko. Hindi pa ako handa para sabihin sa kanya na nagpacheck up ako dahil buntis ako.

"THE SECRET MULTI-BILLIONAIRE'S SON"(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon