CHAPTER 15

1.6K 36 1
                                    


♡HELLIANAH


Isang linggo na ang nakalipas nang dumating kami dito sa pilipinas. Isang linggo na rin na punong puno ang utak ko dahil sa mga tanong na gustong mabigyan ng kasagutan.

Katulad na lamang nang makita ko si trev sa Evangelista Village.

Fvck! Bakit parang may kumikirot sa puso ko kapag iniisip ko ang bagay na 'yon?

Lalo na  nang malaman ko na si Trev pala ay asawa ni sam?

Teka nga! Bakit ko ba iniisip si trev? Gosh! napapapraning na ata ako!

Haish!!

Nakaformal attire ako ngayon at ang masasabi ko lang! Hindi ako comportable. -_-

It's my first day of work as an employee of my own company.

Yes, you read it! my own company. Maging ako ay nagulat din dahil sa nalaman ko mula sa madaldal na bibig ni kaizer.

Base sa pagkakasabi sakin ni kaizer, nakapangalan na ang kompanyang ito sakin bago pa man kami dumating dito sa pilipinas. Ngunit pinanatiling malaking sekreto ito ni anpa. Walang nakakaalam na ako ang may-ari nito dahil tanging pangala'ng HELLIANAH AEIA SULLIVEIN ang alam nila.

"Hmp. Kaizer hindi ba sila nagtataka kung bakit ikaw ang namamahala ng kompanyang ito? " Tanong ko kay kaizer, naglalakad kami ngayon papasok sa malaking building na ito which is kompanya ko pala.

Unang bumungad samin ay ang mga empleyadong mapanuri ang tingin.

Hindi ko alam kung sakin ba nakatingin o kay kaizer. Pero pake ko ba? Psh

Napansin ko naman ang isang babae na masamang nakatingin sakin ngunit agad din nawala dahil tumingin ito kay kaizer na kinikilig.

Napairap naman ako sa kawalan dahil sa inakto nito.

Hindi na ako magtataka kung maraming maattitude na empleyado sa kompanyang ito.

Hindi ko naman na sila pinansin pa at tinuon na ang aking presensya kay kaizer.

"Nope, Kilala nila akong lahat bilang katiwala ni lolo miguel sa mga kompanya niya. Bago ilipat sa pangalan mo ang kompanyang ito, besides sinabi ko na sa kanila na you're in vacations for 1 month" diretsong saad nito, mabilis naman akong tumingin sa kaniya.

"1 month? Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.

"As long as you can't handle this company, mananatili kang nasa bakasyon kuno. Dahil tuturuan kita kung paano mo patatakbohin ang kompanyang ito" Wika nito bago kami pumasok sa elevator.

"Hindi pwedeng magpakita ka sa kanila na wala kang alam sa sarili mong kompanya. Baka malugi pa kapag nagkataon" malakas ko naman itong hinampas sa braso niya. Ngunit tumawa lang ito.

"Masyado mo ba akong minamaliit kai? Hmpp!" Inis na usal ko dito, pero muling tinawanan lang ako nito.

"Hindi na kita kailangan'  maliitin pa, dahil height mo pa lang maliit na HAHAHA" Pang-aasar nito at mabilis na lumabas sa elevator nang bumukas ito at saka tumakbo. Mabilis din naman akong lumabas at sinundan siya habang nanggagalaiti sa galit.

"Hindi ako maliit! Sadyang matangkad ka lang!" Depensa ko

Nakita kong pumasok ito sa isang pintoan kaya sinundan ko na rin ito.

Nagulat naman ako nang makapasok ako sa loob. Teka? Ito ba yung opisina niya?

Hindi ko naman maiwasan ang mamangha nang ilibot ko ang aking paningin sa kalooban nitong opisina.

"THE SECRET MULTI-BILLIONAIRE'S SON"(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon