Annalise POV
Grabe! Nag-enjoy ako sa bonding namin nila Lorraine, Calista at Bridget. It was really fun lalo na nung may napagtripan si Calista na isang waiter. Grabe ang tawa ko mga sampu. Hahahahahahahahahaha!
Flashback
Japanese Restaurant
"Waiter!" tawag ni Bridget sa isang lalaking waiter
"Yes ma'am?" sagot nung waiter pagkalapit sa table namin
"Can I have a Makizushi please?" order ni Bridget
"Oh and Miso Soup I want that." pahabol ni Lorraine bago makaalis si kuyang waiter.
"Wait!" pigil ni Calista sa waiter
Napatingin kaming tatlo sa gawi niya. Nakita ko na may nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi. This can't be good.
"Kuya~ Anong name mo?" tanong ni Calista kay kuyang waiter na may halong pagpapacute.
Napakamot naman ng ulo si kuya kaya napailing nalang ako.
"Ahhm Asher po ma'am." sagot naman ni kuya. hayssss ibang klase tong si Cali
"Hey stop it Calista." saad ni Lorraine
"What? I'm not doing anything wrong right kuya Asher?" wika ni Calista na nakangisi
Demonyita talaga 'to kahit kailan.
"Ahmm ma'am I have to go. Ipreprepare ko pa po yung orders niyo. Papagalitan po ako ng boss ko kapag nahuli niya po akong wala ginagawa." Pagkasabi iyon ni kuya waiter agad namang umalis. Sorry for you kuya, ikaw yung napiling pagtripan ngayon ni Calista.
"Ibang klase ka Calista. Pati waiter pinagtritripan mo paano kung matanggal sa trabaho yung tao?" panenermon ni Bridget
Ngumisi lang ang loka "Trust me this is going fun."
I sighed
After ng ilang minuto dumating na yung inorder namin at sa kasamaang palad si kuyang waiter kanina ang nagserve saamin ngayon.
Kinalabit ako ni Calista. Pinandilatan ko naman siya ng mata saying huwag niyang ituloy.
"Nali come on. May gusto lang akong malaman." bulong ni Calista saakin.
"Anong pinagbubulungan niyo jan?" biglang tanong ni Lorraine kaya napaayos naman ako ng upo.
Umiling lang ako habang si Calista naka ngiti ng malapad.
At ano daw? May gusto lang siyang malaman? Kanino, sa waiter? Ano naman kaya yun?
Hinihintay ko lang ang next move ng babaitang 'to. Pati sina Bridget at Lorraine ganun din pala.
"Waaaaahhhhh!" nagulat ako nung biglang tumili si Calista. Nandito parin pala si kuyang waiter akala ko umalis na.
"Waaaaahhhhh! Ipis! Ipis!" tili ng tili si demonyita.
"Ayyyyy! Asan ma'am asan maam!!? Waaahhhh owmeygessshhh nakakalurki naman! Where maam!?" tarantang saad ni Kuyang Waiter. Napaawang ang bibig ko nung makita ang reaction ng waiter na yun
Napahagalpak naman kami ng tawa nung biglang pagtititili nitong si kuyang waiter.
Napatingin narin saamin yung mga taong nadirito sa Restaurant na 'to.
"I knew it!" biglang bulalas ni Calista
So yun pala ang plan niya. I see...
"HAHAHAHAHA!"
"PFFT- HAHAHAHHAHAHAHA!"
Walang tigil sa pagtawa yung dalawa habang ako nagpipigil ng tawa.
Tumigil na rin sa kakatili itong baklush na itey este itong bakla na ito.