Annalise POV
5:00 AM
Maaga talaga akong nagising dahil 7:00 AM ang start ng school. So I didn't waste any time and do my morning rituals.
Ang uniform namin ay isang kulay black na spring autumn plaid high waisted mini skirt at black polo na may stripes sa may pulsuhan at may necktie na color dark blue. Of course sa polo namin ay may logo ng University sa right side, meron ring indication kung ikaw ba ay junior high or college. Sa color ng necktie nakabase ang grade level mo. Para saaming first year college ay kulay dark blue.
As for the boys ganun din ang kulay, Black pero nakapolo sila ng color white. May coat ang sa uniform ng boys kaya nagmumukha silang businessman pero maganda siya. May necktie din at tulad ng saaming girls ay ganun din.
Natapos kong isuot ang uniform ko ay sinunod kong suklayan ang mahabang color brown na buhok ko. Bumagay siya saakin actually kasi maputi ako.
I french braided my hair. Bale dalawang side pero kalahati lang.
Pagkatapos kong mag-ayos tinignan ko ang oras and it's already 6:00 o'clock. Kaya naman bumaba na ako para mag almusal.
Here we go. Gonna ready my ears to hear my brothers scolds me. Naglakad ako ng kalmado papuntang dinning area habang nakangiti hindi ko ipapahalata na kinakabahan ako sa kung ano man ang itanong nila. Pagkapasok ko sa dinning area nandun na silang tatlo at kumakain na habang nagkukwentuhan.
"Good Morning kuya Keiffer." sabi ko sabay halik sa pisngi niya
"Good Morning kuya Brandon." sabi ko and I did the same.
"Good Morning kuya Kendric." huli kong binati si kuya Kendric.
Tumingin silang tatlo saakin having their serious faces.
Brandon POV
Nandito ako sa dinning area with my two brothers. About nga pala kay Nali, nako nako ang batang iyon talaga. Hindi namin alam kung saan saan siya nagpupupunta kagabi ni hindi manlang siya nagpaalam saamin.
"Ang tagal ni Nali bumaba. Lagot talaga saakin yung batang iyon makikita niya." obviously may halong inis ang boses ni Keiffer. Sa totoo lang saaming tatlo? Si Keiffer ang pinaka nag-aalala kagabi kay Nali. Silang dalawa kasi yung malapit sa isa't isa.
"Don't be too hard on Nali later bro." malumanay na saad sakaniya ni Kendric
"I won't pagagalitan ko lang don't worry bro." sagot naman ni Keiffer
"Oh ayan na pala siya eh." pag-iiba ko ng usapan nang makita kong papalapit na si Nali.
Lumapit siya kay Keiffer at unang binati "Good Morning kuya Keiffer." sabay halik sa pisngi
"Good Morning kuya Brandon." sunod saakin sabay halik din sa pisngi ko
"Good Morning kuya Kendric." sabay halik din sakaniyang pisngi
"So Nali." Keiffer started with his oh so serious face. Naupo narin si Nali sa tabi ni Kendric
"Where have you been last night huh?" panimula ni Keiffer. Eto na, magsisimula na ang Q&A portion namin.
"K-kuya?" tanong ni Nali na para bang hindi alam ang tinatanong ng kuya niya.
"I said where have you been last night?" pag-uulit ni Keiffer sa sinabi. Tahimik nalang kaming kumakain ni Kendric while listening to their conversation.
"Ah k-kase k-kuya ahm k-kase-"
"Kase ano?" pagpuputol ni Keiffer sa pautal-utal na Nali. I can sense that she's already nervous.
"Huwag po k-kayong magagalit kuya Keiffer, kuya Brandon, kuya Kendric please." nauutal na sabi ni Nali sabay tingin saamin isa isa.
Tumango kaming dalawa ni Kendric habang si Keiffer diretsong nakatingin kay Nali. He must be waiting for her answer.
"W-we ahmm.. My bestfriends and I uh went to a bar?" finally she sai- what? A bar? Seriously?
"WHAT!?" nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Keiffer. OA masyado. Napayuko nalang si Nali.
"Are you out of your mind? For Pete's sake Nali? What the heck!?" sigaw ni Keiffer
"A bar huh!? Sinong matinong babae ang pumupunta jan sa bar ha!? Paano pag may nambastos sayo dun!? Or worst marape ka!?" Keiffer was fuming mad right now. OA naman tong si Keiffer rape agad?
"Don't you know how worried I am last night huh Nali!? And you know it makes me sad because you didn't even bother to let us know where you at? Nandito ang kuya Brandon mo o si kuya Kendric mo na sabihan mo kung ayaw mo akong sabihan." he really is mad now seriously. Nakayuko lamang si Nali, at nakita kong may tumulong luha galing sakanyang mga mata.
"Bakit ba kuya? Hindi naman na ako bata ah. Kaya ko naman na ang sarili ko. Nandon naman ang mga kaibigan ko na kasama ko. Kasama din naman namin ang kuya ni Rain. Alam ko naman na kahit magpaalam ako sainyo hindi niyo ako papayagan. Bonding din namin yun na magkakaibigan tapos ikakait niyo pa saakin?" nagulat ako sa biglaang pagsagot ni Nali sa kuya Keiffer niya. Hindi siya sumasagot ng ganito saamin, like never.
Tumingin naman ako sa gawi ni Keiffer na ngayon ay parang nabigla sa pagsagot sakaniya ni Nali kaya walang ano ano ay akmang sasampalin na sana ni Keiffer si Nali, mabuti nalang at nakita ko kaya napigilan ko. Umiiyak naman na ngayon si Nali.
"Bro bro, calm down, hindi yan ang paraan para ilabas ang galit." pagpapakalma ko kay Keiffer. Nung grade 11 kasi si Nali,she went to a bar too at iniuwi siya ng mga bestfriend niya na lasing na lasing. And because of what she did, Keiffer slapped her really hard. I feel sorry for our sister but she's at fault too. Pinagbabawalan namin siya na huwag uminom pero sinusuway niya. She's as stubborn as a mule.
"You know what? Let's just eat and go to school and its already 6:30. Finish your food Nali." Keiffer said specially to Nali na kanina pa nakayuko and I even hear her sob.
"O-okay." utal na sagot ni Annalise at binilisang kumain. Tumayo na agad si Nali nung matapos siyang kumain at walang lingon lingon na lumabas dito sa dinning area. I feel sorry for her talaga, kahit pa man kapatid ko wala akong magawa kasi kasalanan din naman niya, hindi siya nagpaalam.
Sinamaan ko naman ng tingin si Keiffer. "Ano yun bro? Akala ko ba pagagalitan mo lang? Bakit mo sinigaw-sigawan? Mukhang tinakot mo pa ang kapatid natin."
"Alam mo na nga na may trauma na yung tao eh, tapos ganon pa inasta mo. Dapat kalmado lang." saad ni Kendric sabay tayo at naglakad paalis ng kitchen. Sumunod narin ako para makapagbihis narin at makapunta na sa school.
Kendrick POV
Mabilis akong nakarating sa school kasi sariling kotse ko ang ginamit ko. Hindi ko talaga maiwasang maawa sa little sister namin. She don't deserve to be shouted like that.
Grabe kasi si kuya Keiffer eh. Sinabing pagagalitan lang niya pero sinigaw sigawan naman. Pero it's her fault din naman. I see the point of kuya Keiffer, kahit ako ma'y pagagalitan ko ng ganon si Nali.
Bumaba na ako sa aking kotse at nilock iyon.
-
Right now I'm heading to my first class which is Math. May mangilan ngilan pang mga student na pakalat kalat.Sa di inaasahan, nakasalubong ko si Nali. Nagtama ang mata namin pero nag-iwas agad siya ng tingin at pumasok na sa isang classroom malapit lang saakin. It was Science class. Anong nangyari don? Dinamay pa ako hahaha.
Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad.
-
"Oh pare! Long time no see. How have you been?" bati saakin ni Kenjie kapatid ni Lorraine."Oh hi! Ayos naman pare! Ikaw ang kamusta?" sagot ko at nakipag-apir nang makalapit ako sakaniya.
Agad namang dumating ang prof namin at tulad sa mga first day ng ibang school INTRODUCE YOURSELF. potek na intro introduce yourself na yan parang elementary eh.
***
A/N:
Okay so another update for ya'll. I hope nagustuhan niyo and if you guys do please vote and maybe leave a comment. Thanks for reading! UPDATED PO!!words: 1250