A/N:
Before you proceed, in this chapter its all about the Mandrigal siblings' arguement stil. That's all thank you!-
Annalise POV
Agad akong pumasok sa Science classroom nang makita ko si kuya Kendric wala akong maipapakitang mukha sakaniya. Mabuti nalang din at ito ang first class ko.
"Oh anyare sayo girl?" nagulat ako sa biglang nagsalita sa may gilid ko turns out that it's none other than Bridget. I sigh in relief.
"Wala" maikli kong sagot at dumiretso nalang ako sa upuan ko habang si Bridget ay naka kunot ang noong nagtungo sa may harapan ko para umupo narin. Nasa tabi niya si Lorraine habang ako si Calista naman ang katabi ko.
"Morning Nali." bati saakin ni Calista nung napagtanto siguro niyang andito na ako at ganun din si Lorraine.
Agad din namang dumating ang babaeng prof namin nung biglang nagvibrate ang phone ko thank God nasilent ko kanina kung hindi patay ako sa first day ko.
1 new message
From Babe:
Good morning beautiful. You're at school already?
To Babe:
Hey there handsome. Yeah and andito narin si prof actually Science first subject namin.
Sent!
From Babe:
Yeah? Andyan na? Sorry if I disturb you babe. Later nalang sa break time okay? See yah I LOVE YOU.
To Babe:
Uh no its okay babe. Okay then see yah I love you too. Bye
Sent!
Ibinalik ko na sa loob ng bag ko ang cellphone ko at itinuon ang pansin sa prof namin na nagpapakilala sa harap.
"Okay class I am your Science professor Elissa Morales. As for now all we have to do is introducing yourselves. Starting with you Mr." sabay turo ni prof sa isang lalake na nasa harap.
Gosh ano 'to introduce na naman. Parang elemetary days lang ah. Hanep.
"Hey Nali introduce yourself daw Hahahahaha" tawa ni Calista
"Shut up witch" saad ako at binelatan lang ako ng loka.
Break time
Sabay sabay kami lumabas ng room nina Calista, Bridget at Lorraine nung magring ang bell.
Habang tinatahak namin ang daan papuntang canteen, nakasalubong namin ang tatlo kong kuya. Nakatitig saakin si kuya Keiffer habang naglalakad. Ramdam ko sa mga titig ni kuya na galit parin siya saakin. At aaminin ko na wala akong pake alam dun. Kamuntikan na nga niya akong masampal kanina.
Inirapan ko lang silang tatlo at walang lingon lingon na nilagpasan lang namin sila. I don't care kung pagdating sa bahay eh pagalitan na naman ako. Ano ba kasing big deal dun sa ginawa ko? Sa bar lang naman ni hindi nga ako nalasing. Hindi lang naman ako nakapagpaalam. What's wrong with them ba?
"Hey Nali what happened?" takang tanong ni Lorraine. Naguguluhan siguro sa nasaksihan kanina. Palagi ko kasi silang pinapansin kapag nagkakasalubong kami noon pero ngayon hindi na dahil sa walang kawenta kwentang gagawin sana saakin ni kuya Keiffer.
"Wala yun. Konting alitan lang Raine." sagot ko
"Is it because we went to the bar?" tanong ni Calista na may pag-aalala sa tono niya