Chapter 19: Fiancé

3 1 0
                                    

Keiffer POV

Nang makauwi na kami agad akong nagpunta sa banyo para makaligo at makapagbihis. I am wearing a stylish suit with a long-sleeved white shirt, along with a classic tie and a black leather shoes. Pagkatapos kong ayusin ang buhok ko at nagpabango ng konti, lumabas na ako para maghintay sa sala.

Nadatnan ko doon na nakaupo sila Brandon at Kendric. It means si Nali nalang ang hinihintay. After a minute of waiting, Nali went down wearing her Burgundy Cocktail Dress and match it with a Peep-toe ankle strap Wedge that is color black.

She look so beautiful in her dress. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit pa nakipaghiwalay sakaniya si Keanu. Nagalit talaga ako noon kay Keanu dahil sa panlolokong ginawa niya sa kapatid namin. Na-ospital siya ng isang linggo nang dahil lang saamin. I never regret that I do that to him. He deserves it anyway.

Nagulat ako nung kamuntikan nang maout of balance si Nali sa last step ng hagdan kaya napatayo ako at hinanda ng sarili para saluhin siya pero thanks God nakakapit siya sa hawakan ng hagdan.

"Careful, bakit kasi nagheels heels ka pa? Pwede namang magrubber shoes nalang diba?" I winked at her "Para magmukha akong katuwa tuwa sa harap ng business partner nila Mommy?" she say in a matter of fact.

"Alright alright, let's go now." I offered my hand and she took it without hesitation.

"Uhh we are still here." singit ni Brandon at inakbayan si Nali. Sumunod naman sakaniya si Kendric na tahimik lang.

-

"Were finally here." bulalas ko nang maipark ko sa parking lot ng Restaurant na ito ang kotseng ginamit naming apat.

"Tara na para matapos na agad 'to at makahiga na ako." wika ni Kendric na nauna nang maglakad papasok sa Restaurant.

"Napagod ba yun kuya?" bulong saakin ni Nali

Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko naman kaklase yun. We went in and the waiters guided us to our parents.

"Oh andiyan na pala ang mga anak ko. Come" wika ni Mommy nang makita kaming pumasok sa pinto ng VIP room.

"Is this your daughter already?" tanong nung babaeng kaedad lang ni Mom.

"Yeah. By the way she is Annalise." paki lala ni Mommy

"And this must be your sons Julia?" ani ng lalaki na katabi nung babaeng kaedad lang ni Mommy.

"Yes, they are." tatango tangong sagot ni Dad sakaniya.

Naupo na kami sa may bakamteng upuan sa tabi nila Mom at Dad. Nag-order na sila ng pagkain at pinagpatuloy ang pinag-uusapan nila kanina.

"Oo nga pala bago ang main topic natin, mga anak this is your tita Rene Del Fuego and this is your tito Roland Del Fuego, Gian's parents." Mom says giving us a smile.

So this is Gian's parents? No wonder nakuha niya sa Daddy niya ang hitsura niya. His Dad is undeniably handsome kahit na matanda na ito.

"So, napag-usapan na namin ng inyong mga magulang na ipagkakasundo namin ang aming anak kay Annalise." wika ni tita Rene

"Wala ngayon ang aming anak dahil may pinuntahan siyang importante but he agrees to this arrangement." pagtatapos ni tito

Annalise POV

"Wala ngayon ang aming anak dahil may pinuntahan ziyang importante but he agrees to this arrangement." pagtatapos ni tito

Shock was written all over my face. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko na para bang naipako na ako dahil sa narinig ko. Si Gian ang tinutukoy nila and to my surprise pumayag siya.

"M-mom" finally nagawa kong magsalita.

"Nali anak this is for your own good and future. Para narin ito sa business natin anak please say yes for us baby please?" pakiusap saakin ni Mommy

Wala namang mawawala kung susundin ko sil Mommy diba? This is just for our business and nothing more. Besides he's my bestfriend.

*sigh*

"Okay Mom, I'll do it."

"Really anak? Oh my, thank you so much." saad ni Mommy

"Make sure na hindi mo na naman takasan iyang finacé mo." kuya Brandon said teasing me.

"Its Gian. And I know him like when were in kinder." I state a matter of fact.

"Well yeah Nali's right Brandon" pagsang-ayon ni kuya Keiffer

"Pero huwag ka sanang magsisi huh? Desisyon mo iyan." paalala naman saakin ni kuya Kendric.

Tumango tango nalang ako. Sana nga hindi ko ito pagsisihan.

"Good! So its settled." masayang wika ni tita at kinuha niya ang cellphone niya sa may purse niya and started typing something.

Suddenly a waiter came and serves our ordered food. We ate silently, walang ni isa saamin ang nagsasalita.

"So when is the wedding?" pagputol ni Daddy sa katahimikan.

"Siguro kapag nakapagtapos na sila ng College. Mas maganda iyon." kuya Keiffer suggests

"Keiffer is right, dapat tapusin na muna nila ang kanilang pag-aaral. Para magkaroon naman ng magandang future ang magiging apo natin hindi ba honey?" kamuntikan na ako mabulunan sa sinabi ni Mommy.

"Are you alright Nali? Here drink this." inabot saakin ni kuya Kendric ang isang baso ng tubig at kaagad ko naman itong ininom.

"Mom, huwag na muna iyang mga ganyan bagay okay?"

"Okay okay. I'm just so excited." tatawa tawang saad ni Mommy.

Umirap nalang ako at pinagpatuloy nalang ang pagkain ko.. I need to talk to Gian tomorrow. Lorraine, Calista and Bridget must know this too.

***
A/N: Short update SORRY.

But still sana po basahin niyo parin po kahit napaka boring or walang kathrill thrill. I'm doing my best po para ma meet Angie mag standards niyo.

Vote Share and Comment THANKS.

words: 926

Back Together (On-Going)Where stories live. Discover now