Chapter 1

496 91 39
                                    

Pagkatapos naming mag-usap ni Ma'am Relani ay umuwi agad kami ni Nanay paghapon. Nasa hapag kami at kinuwento ko ang offer sa akin.

"Talaga Stancia?" - masayang sabi ni Nanay, malaking tulong ang offer ni Maam Relani sa akin, makakapag-aral ako ng libre at hindi umaasa sa magulang ko.

Matanda na rin sila at nagtatrabaho pa rin, kaya lumawas at sa Manila nagtrabaho ang ate ko para malaki ang sahod at para tumigil na sila sa pagtatrabaho. Alam kong ang pagkokoleheyo ko ang pinagiiponan nila Nanay.

Masayang tumango ako kay Nanay, masaya rin si Tatay na kumakain.

"Kakaibiganin mo lang naman at ipapasyal dito ang anak niya diba?" - tanong ni Tatay

"Opo tay, gusto ni Ma'am Relani na magustuhan dito ng anak niya para hawakan nito ang hacienda" - sagot ko.

"Balita ko, graduate na ng koleheyo yan at nagliwaliw lang sa syudad, walang plano na pangalagaan o magtrabaho sa hacienda, hindi tulad ng nakakatandang kapatid niya na seryoso sa negosyo"- kuwento ni Nanay

"Mag-ingat ka diyan Stancia, baka barumbado yan ha" - sabi ni Tatay

"Kaya ko po sarili ko tay, kakaibiganin ko lang naman po" - sagot ko.

Mukhang walang plano sa buhay at magliwaliw lang gusto, mayayaman nga naman, ang mahihirap kahit na nag-aaral pa gusto ng magtrabaho para kumita, hindi magsasayang ng taon para magsaya.

Kinumagahan, sabay kami ni Nanay pumunta sa mansyon ng San Gabriel, ililibot si Laz sa hacienda, maglalakad lang siguro kami. Tumulong si Nanay sa kusina pagkarating namin mukhang tapos na rin silang mag almusal dahil naghuhugas na ng plato. Pumunta agad ako sa sala nila, sabi ni Aling Soledad, gising na at nakakain na ang alaga ko.

Kita ko siyang nakaupo sa Sala at mukhang bored na nanood ng tv, tumingin siya ng tumigil ako sa gilid niya.

"Bat ngayon ka lang?" - masungit na tanong niya, ang aga pa naman.

"Wala ka namang sinabing oras, sabi mo lang umaga" - sagot ko, tumayo siya lumapit sa akin.

"Tss" - nilamapasan ako, sungit ng alaga ko ah. Para sa scholarship to!

Dumaretso siya sa hardin ng mansyon, sumunod lang ako.

"Ano gusto mong puntahan?"- tanong ko sa likod niya

"I dont know anything here, you decide" - sungit talaga.

"Sa rancho na lang tayo ninyo" - sabi ko, tumango naman siya

Una akong naglakad patungo sa likod ng mansyon nila kung saan mas malapit kung doon dumaan papuntang rancho nila.

Tahimik naman siyang sumunod ng nakalabas sa medyo hindi kalakihang gate. Bubungad ang malawak na lupain ng mga San Gabriel.

Hindi gaanong maaraw at hindi rin maulap, sakto lang ang panahon para maglibot libot.

Unang madadaanan ang mga kuwadra ng kabayo, mukhang hindi siya marunong mangabayo dahil siguro sa syudad siya lumaki.

"Oh Stancia, saan punta niyo?"- tanong ni Mang Jose, nagpapaligo ng kabayo.

"Ililibot ko lang po si sir Laz sa hacienda nila Mang Jose" - sagot ko, tumigil si Laz sa paglalakad at tiningnan ang mga kabayo sa kuwadra.

"Marunong kang mangabayo?"- tanong ko, baka marunong siya, mukhang interesado ang masungit niyang mukha.

Umiling naman siya at humarap sa akin, tama ako.

"No, you know how?"- baling niya sa akin, umiling rin ako, wala naman kaming kabayo para matutuo akong mangabayo.

"Hindi rin" - maikling sagot ko

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon