Chapter 19

172 13 0
                                    

Dala ko ang regalo kay Laz sa campus. Mamaya ko na ibigay sa kaniya pag susunduin niya ako.

Nakasalubong ko papasok si Elyse at ang mga alipores niya. Inirapan niya ako, ang aga aga niyang nagsusuplada, habit niya na ba yan.

Umupo ako sa tabi ni Maria, na busy sa cellphone niya.

"Sabi ni Jessel, gala tayo sa sabado, mukhang miss na talaga tayo ng gaga" - tumawa ako, nakakasama naman namin siya minsan sa cafeteria pero iba pa rin noon na lagi kaming magkakasama, pero nitong summer vacation ay hindi.

"Sige pag walang ipapagawa ang prof" - sagot ko, baka merong ibigay na mga projects at assignment ay maging abala kami. May motto kami noon pag high school, acads bago gala.

Dumating agad ang prof namin at nagbigay ng surprise quiz, nanlumo kaming lahat.

"Surprise quize, surprise zero" - sabi ni Maria paglunch namin.

"Mabuti pa itong si Stancia, hindi na surprise eh" - dagdag niya, nakapassing score ako, hindi man ako nakapagreview, ay nabasa ko naman kaya kahit papano ay may naisagot ako.

"Chill lang yan eh pero perfect naman, hindi ka na nasanay sa kaniya, ganiyan naman yan kahit noon ha" - sabi ni Jessel.

"Hindi naman ako matalino, studios lang" - sabi ko, hilig kong magsunog ng kilay sa pag-aaral

"Pahumble" - sabay na sabi nilang dalawa, tumawa ako.

"Si Gino oh" - tinuro ko sa entrance ng cafeteria si Gino na papasok may kasama siyang babae.

"Balita ko girlfriend niya daw yan eh" - umirap si Jessel sa puwesto ni Gino, napaka bitter, hindi na lang aminin ang nararamdaman.

"Bitter ka?" - pang-aasar ni Maria.

"Hindi noh, magsama sila pareho silang pangit" - tumawa kami ni Maria, napaka indenial talaga.

"Hindi naman yan magtatagal tingnan mo, pupusta ko ang one week allowance ko, dalawang linggo lang yan at maghihiwalay rin yan" - nilabas niya ang wallet niya.

"Gaga ka talaga"

"Seryoso ako, hati kayo nito pagnatalo ako pero sure naman akong mananalo ako"

"Ewan ko sayo, dalian na lang natin at baka malate pa kami" - sagot ni Maria.

Badtrip si Jessel ng matapos kaming kumain. Puro irap ang sagot niya sa amin. Hanggang sa naghiwalay kami ng daan nasa right side ng gym ang building nila.

"Text text na lang tayo" - sabi ko sa mga kagroup mates ko, nagtext na sa akin si Laz na nasa labas na siya. Pumunta muna ako sa cr at inayos ang buhok ko.

"Hi" - bati niya ng pumasok ako sa kotse niya, hinalikan niya ako sa pisngi.

"Pasensya natagalan" - sabi ko, tumango lang siya.

"Wala ka bang gustong sabihin sa akin?" - tanong ko sa kaniya, pinaandar niya ang sasakyan niya. Kunot noo niya akong tiningnan.

"Nothing, why?" - seryosong sagot niya.

"Wala, kalimutan mo na" - sabi ko.

"Saan tayo pupunta?" - niliko niya sa daan papuntang mansion nila.

"On our favorite place" - kaya ba ayaw niyang magpaparty dahil, gusto niya ako ang kasama niyang magcelebrate ng birthday niya? kinikilig ako.

"Anong gagawin natin doon?" - mukhang may idea na ako pero gusto kong sabihin niya sa akin. Ngumiti siya.

"The usuall" - sagot niya, yung picnic dates, pero hapon na.

"Okay" - pinarada niya ang sasakyan sa mansion, lumabas agad ako.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon