Hindi ko mapigilang ngumiti, tinitigan ko ang singsing sa kamay ko, hindi ako makapaniwala, engaged na ako, bumalik ako sa Escalante na single at babalik sa Manila na engaged.
Gumulong ako sa kama, hindi ako makatulog, inabot ko ang phone ko ng nagvibrate, si Laz, sinave ko na ang number niya, kanina lang din.
Laz:
I will see you tomorrow, sleep tight. I love you, baby.Ako:
Good night ♥Hindi ko mapigilang ngumiti, parang ayaw niyang umuwi kanina at mukhang balak niya lang akong titigan magdamag, kung hindi ko pa siya tinulak pauwi, kahit na gustong gusto ko siyang makasama pa ay hindi puwede maaga pa kami bukas.
Nagising ako sa alarm ng phone ko, agad akong naligo at nagbihis, pambahay lang ang sinuot ko, kina Jessel ang gown ko at doon na rin ako make-upan.
Kita ko si Laz na nakaupo sa Sala, naka white polo shirt na ito, ang aga naman yata niya. Katabi niya si Nanay at Tatay na nagkakape.
"Stancia, kumain ka muna" - salubong sa akin ni Nanay pagbaba ko.
"Hindi na Nay kina Jessel na ako" - sagot ko agad
"Oh sige, susunod kami ng tatay mo sa simbahan" - nagmano ako kay Nanay at Tatay, ganoon din ang ginawa ni Laz, sabay kaming lumabas.
Hinawakan niya ang bewang ko palabas.
Hindi pa alam nila Nanay at Tatay tungkol sa nangyari sa amin kagabi, tulog na sila.Pinagbuksan niya ako ng sasakyan niya. Ang lapit lang kina Jessel, hindi na ako nagreklamo.
Kinabit ko ang seatbelt ko, gulat akong napatingin sa kaniya, ang lapit kasi ng mukha niya, ngumiti lang siya.
"You look beautiful" - masuyo niya akong hinalikan, napapikit ako sa senyasong lumukob sa sistema ko.
"Hmm" - hinawakan niya ang pisngi ko para mas lumalim pa ang halikan namin.
Tinitigan niya ako matapos bumitaw.
"I still can't believe your mine again" - hinahaplos niya ang engagement ring ko.
"Bilisan na natin" - sabi ko, pinatakan niya muli ako ng halik bago pinaandar ang kotse.
Hawak kamay kaming pumasok sa bahay nina Jessel, abala ang lahat sa Sala, may nagset-up ng camera, ang mga relatives ni Jessel ay nag-uusap at ang iba ay nakabihis na.
"I will wait here" - masuyong sabi ni Laz, umupo siya sa bakanteng sofa, pumunta agad ako sa taas para makapagbihis.
Agad akong nagbihis at minek-upan, nirequest ko na light lang. Hinayaang nakalugay ang buhok ko, nilalagyan ako ng lipstick ng may tumawag sa akin.
"Stancia, may nagpapabigay" - sabi ni Maria, nakabihis na rin siya at nakamake-up, isa siya sa bridesmaid, nanunukso ang tingin niya.
Tumayo ako at kinuha ang binigay niya na sandwich at tubig.
"Kayo na?" - makahulugang tanong ni Maria, ngumiti ako ng malapad, pinakita ko sa kaniya ang sinsing ko.
"OMG!" - kinuha niya ang kamay ko at sinuri ang singsing.
"Ikaw na ang susunod!" - masayang sabi niya, pareha kaming tumawa, pinagtitinginan kami ng mga tao sa loob ng kuwarto, ibang pinsan at katrabaho ni Jessel.
"Dapat mo yang ikuwento" - sabi niya.
"Oo, ikukuwento ko sa inyu" - masayang sabi ko, umupo ako ulit para taposin ang make-up sa akin, baka magalit na ang bakla.
Kinuha ko ang note sa sandwhich.
Eat baby - Laz.
Hindi ko mapigilang ngumiti.
BINABASA MO ANG
The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)
RomansaUnder the scorching heat of the sun and vast field of sugarcane, love blooms. Does summer love stays in after summer? or like how the change of weather, love changes? Constancia Revamonte is a simple probinsyana, met Lazaro Miguel San Gabriel a hap...