Tanghali na ako nagising, sanay na si Ate Tanya sa akin, tuwing friday ay night out kaya late lagi ang gising sa sabado.
Lumabas ako ng kuwarto ko maingay na si Jillian, pamangkin kong one year old na naglalaro sa maliit na sala, coco melon rin ang palabas sa tv.
Nag brunch ako, busy ang mag-asawa sa pag-aalaga sa anak nila.
Si ate ang nagpa-aral sa akin, hindi man nasunod ang gusto kong kurso ay laking pasalamat ko pa rin sa kaniya.
Gumraduate ako sa kursong Business Administration major in Finance, in demand at madaling makatrabaho dito sa Manila, maraming puwedeng pasuking company.
"Andiyan na si Tita Stancia" - kinuha ko si Baby Jillian kay ate.
"Ang cute talaga ng pamangkin ko, mana sa Tita" - kinurot ko ang matabang mukha ni Jillian, nakapacifier pa ito.
"Anong oras kang umuwi kagabi?" - tumabi sa akin si Ate Tanya sa sofa, nasa kabilang sofa naman ang asawa niya.
Hindi pa talaga sila kasal pero may plano na silang magpakasal this year, gusto ni ate sa probinsya sila ikasal.
"Alas tres na" - sagot ko, kinakain ni Jillian ang shoulder length kong buhok, pinarebond at pinakulayan ko rin ito.
"Huwag mong kainan yan, hindi yan masarap" - humagigik lang si Jillian.
"Okay pa ba ang atay mo?" - tumawa ako sa tanong niya.
"Oo naman, malakas kaya to" - sagot ko.
"Napaka party goer muna ha" - 3rd year college ako ng sinama ako nina Mel at Jessica sa party, simula noon ay sunod sunod na ang pagpaparty namin, nagustuhan ko na rin ang usok ng mga sigarilyo at amoy ng alak.
"YOLO ate" - sagot ko. There's so much in life to explore, ever since I live here in Manila, the horizon of my vision expands, the world is so big and there's a lot of thing to do, life is short, don't hesitate in doing things you wanna do. Enjoy, time won't be back!
"Mag boyfriend ka na!" - tumawa ako sa sinabi niya.
"Bakit pa?" - natatawang sabi ko.
"Tumatanda ka na! Puro gala at party ang inaatupag mo"
"Hindi ko kailangan ng boyfriend , okay? "
"Hindi ka pa ba nakakamove-on sa ex mo, tagal na nun ha?" - tumawa ako
"Naka move on na ako, ni hindi ko na nga ma-alala ang mukha non" - sagot ko, alam ni ate ang tungkol kay Laz, at bakit ako pinapunta ni Nanay dito sa Manila.
"Bakit hindi ka pa nagboboyfriend? Yang si Brandon sagutin mo na, tagal ng nanliligaw yun ha?" - umiling ako, kilala niya na si Brandon, lagi akong sinusundo at hinahatid dito non.
"Wala pa akong time sa boyfriend na yan" - sagot ko, pinaningkitan niya ako ng mata.
"Pero andaming oras sa gala at party" - tumawa ako, binuhos ko na lang oras sa pag-alaga sa napaka cute kong pamangkin, mana talaga sa Tita.
Nanood ako ng Netflix sa kuwarto buong gabi, walang lakad ngayon at hindi nag-aya sila Mel at Jessica, boring ang mga bar kung ako lang mag-isa ang tatambay doon, ipagpapahinga ko na rin muna ang atay ko.
Nagpop sa screen ng Iphone ko ang pangalan ni Jessel, nakavideo call, alas onse na ha, anong kailangan nito?
"Stancia! Ikakasal na ako!" - para akong mabingi sa sigaw niya, pinakita niya ang kamay niyang may singsing.
"Congratulations!" - masayang bati ko, sa haba haba ba naman ng prosesyon sa simbahan pa rin ang tuloy nila ni Gino.
"May nagkamali rin!" - pang-aasar ko, sobrang saya ko para sa kaibigan. Hindi naman niya pinatulan ang pang-aasar ko, good mood talaga.
BINABASA MO ANG
The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)
RomanceUnder the scorching heat of the sun and vast field of sugarcane, love blooms. Does summer love stays in after summer? or like how the change of weather, love changes? Constancia Revamonte is a simple probinsyana, met Lazaro Miguel San Gabriel a hap...