"bango nak" - sabi ni Tatay papasok sa kusina.
"Lapit na maluto tay"- sagot ko, hinahalo ang niluto.
"Sir Laz, napasyal ka" - baling ni Tatay kay Laz na nakaupo sa mesa, nanonood sa pagluto ko.
"Wala po akong makausap sa mansyon sir" - rinig kong sagot niya.
"Anong sir ka diyan hahaha, Mang Karo na lang" - kumuha ng tubig sa jar si Tatay malapit sa kalan.
"Laz na lang po itawag niyo sa akin" - magalang rin pala ang isang to.
"Dito ka na kumain, masarap magluto si Stancia ng adobo" - anyaya ni Tatay.
"Opo, sabi rin ni Aleng Nena"
"Magbihis ka na Karo" - sabi ni Nanay, pumasok sa kusina.
"Bumili ako ng softdrinks, hindi ko alam ano gusto mo kaya dinalawa ko na" - tiningnan ko ang nilapag niyang dalawang klase na softdrinks.
"Nag abala pa po kayo"
"Aba siyempre bisita ka namin" - lumabas si Tatay.
Maliit lang ang mesa namin, magkatabi si Tatay at Nanay, katabi ko naman si Laz.
"Hindi ka ba hinahanap sa inyu?" - tanong ni Nanay, kumuha ng kanin.
"Hindi naman po, busy ang mga tao sa bahay" - sagot niya.
"Ke laki naman talaga ng mansyon niyo, sino hindi maboboryo kung mag-isa ka lang" - sabi ni Tatay. Tahimik lang ako kumakain, bahala sila sa pagentertain sa bisita.
"Pasalamat nga po ako na, sinasamahan ako ni Stancia sa pamamasyal" - tumingin siya sa akin, ngumiti ako ng tipid at nagpatuloy sa pagkain.
"Oo naman, mabait itong bata to" - masayang sabi ni Nanay. Tumango tango naman si Laz.
"Ang sarap nitong adobo"
"Talaga? Sabi sayo eh, masarap magluto yan" - binuhatan pa ako ng bangko.
"Kumpara sa mga chef at cook na nagluluto sa inyu, wala sa katiting ang luto ko" - sabi ko, matter factly.
"Mas masarap pa nga sa chef ito eh, kung magtatayo ka ng restaurant panigurado maraming kakain" - tingin niya? Masyado naman siyang exagerated.
"Edi wow" - bulong ko.
Nagpatuloy sila sa pag-uusap pero tungkol na sa tubuhan, interesado na siya sa tubuhan? Mukhang mapapadali ang trabaho ko ha.
"Balita namin bibilhin na ni Don Lazaro ang katabing lupa ng tubuhan, yung sa mga Ezperanza"
"Opo, nabili na ni lolo" - iba talaga pag mayaman ah, parang simpleng bagay lang na binili sa tindahan.
"Ikaw ba ang hahawak sa buong tubuhan?" - tanong ni tatay.
"Pag-iisipan ko pa po"
"Bakit? May ibang plano ka ba na gagawin?"
"Gusto ko po subukan ang ibang negosyo" - para sa sariling pangalan at hindi umasa sa pamilya na? may plano naman pala siyang ganoon, bakit na sangkot sa bisyo?
"Sabagay, bata ka pa, mukhang matalino rin, kayang kaya mo yan"
Next time pag magkita kami ni Maam Relani, sasabihin ko ang plano niyang venture. Baka ayaw talaga niya dito kasi may plano siyang negosyo sa syudad.
"Salamat sa pagkain Mang Karo at Aleng Nena " - pa-alam niya.
"Walang anuman, gabi na, hinanap ka na panigurado sa inyu" - sabi ni Nanay.
BINABASA MO ANG
The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)
RomansUnder the scorching heat of the sun and vast field of sugarcane, love blooms. Does summer love stays in after summer? or like how the change of weather, love changes? Constancia Revamonte is a simple probinsyana, met Lazaro Miguel San Gabriel a hap...