Chapter 22

177 9 0
                                    

Final weeks sa Mount Carmel, hindi kami nagkita ni Laz noong weekends dahil nagsunog ako ng kilay sa pag-aaral, acads muna bago secret date. Ayokong ma- disappoint sila Nanay sa akin, okay naman ang mga scores ko nitong sem, pero gusto ko pa ring ma-ace ang finals.

Madalang na lang kami magtext ni Laz, naiintindihan ko naman dahil bukod sa busy ako sa school ay siya rin sa trabaho niya.

Busy ang lahat sa school, may nag-aaral sa bench, sa hallway at punuan sa library. Kumaway ako kay Maria sa pinakadulong mesa sa library, mabuti na lang ay nireserve niya ako ng upuan. Umupo ako sa mesa ng mga kablock mates namin, busy sila sa pagrereview, finals ng major subject namin next period.

"Naka review ka na ba?" - bating tanong ni Maria ng umupo ako, tumango ako.

"Oo kagabi, pero magbabasa ako ngayon" - nilabas ko ang libro at ibang review materials ko.

Satisfied naman ako sa review ko kagabi, pero gusto kong magscan para walang makaligtaan na topic.

"Ako rin, babawi ako ngayong finals" - binalik ni Maria ang mata sa libro.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa, hanggang sa tumayo si Kresta, time na, sabay kaming lahat pumunta sa classroom.

Nagtext si Laz sa akin na hindi niya ako masusundo dahil may ginagawa siya sa Sagay, kaya nag-abang ako ng tricycle kasama si Maria.

May humintong itim na Mazda sa harap namin.

"Ano ba yan!" - reklamo ni Maria, nakaharang sa harap namin ang Mazda, hindi namin makita ang dumadaang tricycle.

Aalis na sana kami sa harap ng Mazda para makapara ng tricycle ng binaba nito ang bintana at tinawag ako.

"Wait, Are you Constancia Revamonte?" - sabay naming tiningnan ang babae, kita sa itsura niya ang karangyaan, kumikinang ang hikaw at kuwentas niya. Sopistikada at elegante.

"Kilala mo yan Stancia?" - bulong ni Maria sa akin, umiling ako.

"Oo, bakit?" - tanong ko, hindi ko naman siya kilala bat kilala niya ako?

"Can we talk in private?" - tiningnan niya si Maria at balik sa akin.

"Huwag kang sumama diyan Stancia, baka budol yan" - bulong ni Maria.

"Bakit?" - takang tanong ko. Hindi ko naman siya kilala para makipag-usap sa kaniya na kami lang dalawa, baka tama si Maria.

"I'm Ellen, I have something to say and its important" - seryosong sabi niya. Tiningnan niya ako naghihintay ng sagot ko. Nagdadalawang isip ako, siya ang ate ni Elyse? Kaya pala medyo pareha sila ng mukha, style lang ng buhok nagkaiba.

"Stancia" - tawag sa akin ni Maria.

"It won't take for long, We're just going to talk, don't worry" - kita niya siguro ang pagdadalawang isip ko. Sinabi ba ni Elyse ang sinabi ko sa kaniya?

"Maria, una kanang umuwi" - tinaasan niya ako ng kilay.

"Sasama ka? Hindi mo yan kilala!" - mahinang bulong niya sa akin, nakatingin lang ang babae sa amin.

Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante na lumalabas dahil nasa gilid talaga kami ng gate.

"Ate daw siya ni Elyse" - sabi ko.

"Mas lalong huwag kang sumama" - pinandilatan ako ni Maria, at some point gusto kong marinig ang sasabihin ni Ellen, at gusto ko ring linawin kung ano man ang issue niya.

"Hindi naman siguro siya masama, text kita ha" - sabi ko, inirapan niya muna ako at tumango.

"Mag-iingat ka, text mo ako" - ngumiti ako

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon