Pinilit kong bumangon kinabukasan, kahit namumugto ang mga mata ko ay pumasok ako, kailangan kong mag-aral para sa finals namin, maaga akong pumasok sa library, wala pa masyadong estudyante, pumwesto ako sa pinakagilid. Nilabas ko ang mga libro at notebook ko, kailangan kong makapasa sa exam ko, hindi ako puwedeng pumalya.
Tahimik lang si Nanay at Tatay ng nag-agahan kami. Hindi na sila nagsabi tungkol sa mga San Gabriel. Hindi na binigay ulit ni Nanay ang cellphone ko.
Pilit kong inintindi ang mga binabasa ko, pero walang pumapasok sa utak ko. Kaya siguro hindi puwedeng pagsabayin ang pag-aaral at pagnonobyo dahil nakakadistract nga ito. Parehong demanding sa oras at sa isip.
Tumayo ako ng magsisimula na ang 1st period namin, wala ring kuwenta ang pagreview ko, ayoko sanang umasa sa stock knowledge baka ma stuck ako sa college, pero wala akong magawa.
"Okay ka lang ba?" - concern na tanong ni Maria ng tumabi ako sa kaniya ng upo sa classroom, tumango ako.
"Okay lang, hindi lang nakatulog kaya namugto" - tumawa ako ng pilit, tiningnan niya ako , parang hindi siya naniniwala pero hindi na nagtanong pa ulit, mabuti na lang.
Pumasok agad ang proctor namin, umayos ang lahat para sa exam, last day na ng finals namin.
Hindi ako masyadong confident sa mga sagot ko, bahala na lang. Umaasa akong mastretch ng prelim at midterm grade ko ang score ko sa finals. Walang gana kaming lumabas ni Maria sa classroom, kakatapos lang ng exam namin.
"Ang mahalaga ay sem break na" - sinubukan kong tumawa sa sinabi ni Jessel, nasa bench kami nakaupo.
"Oo nga, makakagala na ako" - masayang sabi ni Maria.
"Okay ka lang Stancia?" - tanong ni Jessel, tiningnan nila akong dalawa na nagtataka
"Okay lang, stress lang sa finals" - ngumiti ako
"Kanina ka pa matamlay ha" - sabi ni Maria.
"Okay lang, wala lang tulog at stress lang" - ngumiti ako, tinitigan muna nila ako. Hindi na nagtanong pa ulit.
"Tara uwi na tayo, babawi ako sa tulog ngayong sem break" - tumayo kami at sabay na naglakad palabas ng gate.
"Diba sasakyan yan ni Laz?" - tinuro ni Jessel ang laging pinaparkingan ni Laz, nandoon nga.
Bakit siya nandito?
"Una na kayo, puntahan ko lang" - hindi ko na hinintay ang sagot nila, pinuntahan ko si Laz. Kailangan ko siyang makausap.
"Kailangan nating mag-usap" - sabi ko ng makaupo ako, lumapit siya sa akin pero umiwas ako.
"I can't contact you, is there something wrong?" - kunot noong tanong niya. Akala ba niya ay hindi ko malalaman?
"Totoo ba?" - kinakabahan ako sa puwede niyang isagot, parang ayokong sagutin niya, pero kailangan ko ang totoo. Nagtataka niya akong tinignan.
"The what?" - iniwas ko ang kamay ko ng akma niyang hawakan.
"Buntis si Ellen, totoo ba na ikaw ang ama nag pinagbubuntis niya?" - tiningnan ko siya sa mata, umiwas siya ng tingin, parang tinarakan ng kutsilyo ang puso ko sa reaction niya.
"Baby"- hinarap niya ulit ako, hindi siya makasalita, tinitigan niya ako parang tinitimbang ang expression ko.
"Totoo nga!" - hinampas ko ang dibdib niya, niiyak ako.
"Im sorry, I will make it right okay? Just trust me" - hindi niya sinangga ang mga hampas ko hinyaan niya lang ako.
"Paano mo nagawa sa akin yun!" - napagod ako kakahampas sa dibdib niya, pilit niya akong niyakap, nagpupumiglas ako.
BINABASA MO ANG
The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)
RomanceUnder the scorching heat of the sun and vast field of sugarcane, love blooms. Does summer love stays in after summer? or like how the change of weather, love changes? Constancia Revamonte is a simple probinsyana, met Lazaro Miguel San Gabriel a hap...