Chapter 6

277 74 3
                                    

"Stancia, samahan mo muna ang Nanay mo sa Mansyon, may general cleaning para sa birthday ng Don sa susunod na araw" - sabi ni Tatay paglabas ko ng kuwarto.

"Sinabi ko rin sa kanila na puwede ka tumulong sa party Stancia, tulad ng dati" - tumango ako.

"Sige po, ligo lang po ako" - kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok sa banyo.

Hindi naman siguro kami magkikita ni Laz sa mansyon nila, ano naman ngayon kung magkita kami? wala naman akong atraso sa kaniya, bat ako takot? tsaka sigurado namang busy yun sa girlfriend niya.

Nitong mga nakaraang araw ay baka miss niya lang talaga ang girlfriend niya at kailangan niya ng pagkakalibangan kaya siya pumupunta dito, mukhang ako lang rin ang naging kaibigan niya dito, wala naman siyang ibang pupuntahan.

Ngayong andito ang girlfriend niya, binubuhos niya ang lahat ng atensyon niya, kaya nga siguro dahil sa birthday ng Don, taon-taon na bongga ang party ng Don Lazaro, may imbitado na matataas na opisyal dito sa lalawigan, at malalaking tao, mga bigating negosyante rin dito. At nagdaang taon ilang beses na rin akong parang waitress sa party niya.

"Balik ka dito pagkatapos mo Stancia ha" - sabi ni Aleng Soledad, sa garden ako nakatoka, tutulungan si Mang Pito ang hardinero.

Pumunta agad ako sa malaking garden nila, dala ang walis at dustpan, una kong lilinisin ang water fountain. May mga dahon sa tubig pero malinaw pa rin naman.

Kinuskos ko ang moss ng makarinig ng may nagpark ng sasakyan, sasakyan ni Laz. Tumutulo ang pawis ko sa noo dahil sa init ng araw, pinahid ko, gamit braso.

Lumabas siya ng sasakyan, kasunod niya ang girlfriend niya, Stella. Mukhang abala na siya ngayon, hindi na niya kailangang pumunta ulit sa bahay para may makausap.

Binalik ko ang atensyon sa pagkuskus, sumikip ang dibdib ko baka sa init ng araw. Nadadalas ang pagsikip ng dibidb ko nitong mga nakaraang araw, sign ba ito ng heat stroke? Iinom ako ng maraming tubig mamaya.

"Stancia, paki kuha naman ng sombrero ko, naiwan ko sa kusina ng mansyon, puwede ba?" - tumayo ako at nagpagpag ng pantalon ko.

"Sige po Mang Pito" - iniwan ko muna ang mga gamit at pumasok sa loob. Walang tao sa malaking sala nila, dumaretso ako sa kusina.

"Ay sorry po" - akala ko walang tao, wala kasing ingay ng papasok ako, yun pala naghahalikan si Sir Laz at Ma'am Stella. Tinaasan ako ng kilay ni Maam Stella, nakakapit parin siya sa braso ni sir Laz. Namumula ang labi nilang dalawa.

"Sorry po, kukunin ko lang po ang sombrero" - tinuro ko sa ibabaw ng ref, kinuha ko agad at aalis na.

Sa kusina ba naman magtukaan, hindi ko naman alam may tao.

"I think I saw you before" - tumingin ako sa kaniya, mukha siyang nag-iisip kung saan niya ako nakita, hindi ko tiningnan si sir Laz, natatakot ako.

"Sa bakery po Ma'am, sige po una na ako" - yumuko ako at umalis, hindi matataandaan ang isang tao kung wala kang pake sa kaniya.

Binigay ko ang sombrero kay Mang Pito, at bumalik sa trabaho ko.

Wala na dapat akong pakealam sa nakita ko, pero hindi mawala sa isip ko ang nangyari, kita ko ang magkadikit nilang katawan, nakahawak si Maam Stella sa muscle muscle na braso ni sir Laz at ang kamay ni sir Laz sa likod ni Maam Stella, pinilig ko ang ulo ko.

Mukhang may babalikan talaga si sir Laz sa Manila, at kita ko bakit gusto niya doon kesa dito. Halata naman.

Mukhang kailangan ko ng madaming tubig, nadehydraye na ako, bumabara na ang lalamunan at sumisikip ang dibdib ko.

The Sweet Taste of Summer (Summer Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon