Sawing Diary ni Barbara
"ULAN"
Umuulan na naman. Bakit naman sa tuwing umuulan, naaalala kita?
Siguro dahil sa isang eksena natin dati na habang naglalakad tayo sa daan, bigla na lang umulan. Nagtakbuhan ang mga tao, pero ikaw, bigla kang nadapa. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga panahon na yon - kung tatawa ako o tutulungan kita. Pero hindi pa ako nakakapagdecide kung ano ang gagawin ay bigla mo na lang kong hinila pababa para matumba din ako.
Basang-basa na tayo sa ulan at medyo pinagtitinginan na tayo ng mga tao pero wala kang pakialam. Hawak mo pa din ang kamay ko at nakakatitig ka lang sa mata ko. Medyo naiilang na ako kasi nakatingin na nga ang ilang tao, pero patuloy ka pa din nakatitig sa akin. Ang amo ng mga mata mo, lalo kang gumagwapo. Lalo akong naiinlove sa'yo.
Tatayo na sana ako, ngunit bigla mo kong hinalikan. Nagulat ako. Hinalikan mo ko habang umuulan. Habang nakatingin sa atin ang maraming tao. Bigla na lang bumagal ang oras at nagkaroon ng magandang background music sa utak ko. Naramdaman ko noon yung mga nangyayari sa pelikula, yung bumabagal ang oras, totoo pala 'yon.
Bigla na lang akong napayakap sa'yo pagkatapos mo kong halikan. Doon ko naramdaman dati na mahal mo talaga ko. Ang saya ko ng mga oras na yun, kahit na nilagnat tayo pareho kinabukasan.
Ngayon, umuulan na naman. Ikaw na naman ang naaalala ko.
BINABASA MO ANG
Ang Sawing Diary ni Barbara
Short StoryNaiwan ni Barbara ang kanyang diary na pakalat-kalat sa Wattpad. Sino nga ba si Barbara? At bakit sawi ang kanyang diary?