"Wedding Anniversary Part II"

249 14 13
                                    

“WEDDING ANNIVERSARY PART II”

Umupo na ako sa kinauupuan ko pagkatapos ng dance number namin.  Tinuloy na ng emcee ang programme at tinawag na ang pamangkin ko para sa song number.  Nagsimulang kumanta  ng “IKAW” ni Yeng Constantino ang pamangkin ko.  Nakakainlove ang lyrics nito.  Napatingin ako sa couple na nagcecelebrate ng kasal.  Ang sweet nila habang nakikinig ng song number. Biglang hinalikan nung lalaki yung babae.  Ang sweet talaga.  Ikaw na naman ang sumagi sa isip ko.

Napatanong ako sa isip ko.  Paano kaya kung tayo kinasal?  Magcecelebrate din kaya tayo ng ganito? Bongga ba o simpleng celebration lang?  O mag-cecelebrate na lang tayo via travel?  Ilang attendees?  Ano ang tema? Saan? Hahalikan mo din ba ako habang kinakantahan tayo ng song number? Nakakalungkot na hanggang tanong ko na lang ito. At hindi na mangyayari. 

Sumunod sa programme, song number na naman. Bakit puro song number na lang sa wedding anniversaries?  Sa bagay, alanganamang magcooking showdown, o mag-circus o may tumulay sa nagbabagang bubog, o may babaeng kumain na buhay na manok.  Ang awkward siguro pag ganoon.

Mula naman sa kamag-anak ng asawa ng pinsan ko ang kakanta at may dala siyang gitara. Nagpalakpakan ang mga tao bago siya magsimula.  Inistrum ng performer ang kanyang gitara at kinanta ang sikat na kanta ng Side A, “Forever more”

Pagkarinig ko ng kantang yun sabi ko, siy*t! Ngumiti lang ako, pero pinipigilan kong lumuha.  Alam ko may magandang mangyayari.

Pero di ko talaga napigilan ang luha ko, umiyak ako talaga.  Feeling ng mga tao na nakakakita sa akin, nake-carried away ako sa kumakanta, pero di nila alam, ang sakit-sakit na. Nilapitan ako ng ate pinsan ko.  Niyakap ako, alam niya kasi kung bakit ako umiiyak.

Naalala ko kasi yung huling kasal na dinaluhan ko.  Yung kasal mo.

Tinugtog din yung Forevermore doon, yun yung theme song nyo ng asawa mo.

Gagawin kang tanga ng pag-ibig.  Tulad ko, nagawa ko pang paunlakan yung imbitasyon mo sa kasal mo kahit na alam kong masasaktan ako.  E anong magagawa ko, mahal kita at hindi kita kayang tanggihan. Tanga na nga ako di ba?

Sa mga panahon na naririnig ko ulit to ngayon.  Narerealize ko, bakit nga pala kita iniiyakan, bakit ako nagpapakatanga sa’yo e sinayang mo lang ang unconditional love na binigay ko sayo.  Hindi ka worth it, hindi kita deserve.

Mag-eenjoy ako sa buhay ko.   Kakain ako at magpaparebond.  Gagawin ko lahat para sumaya ako kasama ng mga pamilya at kaibigan ko.   At isang araw, makikila ko na ang lalaki para sa akin, yung lalaking mamahalin ko at mamahalin din ako.  At sigurado akong hindi ikaw iyon.

END.

Ang Sawing Diary ni BarbaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon