"Unexpected Scenario"

155 11 3
                                    

“UNEXPECTED SCENARIO”

Naranasan mo na ba yung tipong ang pangit-pangit mo, wala kang kaayos-ayos, magkahalong haggard versoza at stress drillon ka, tapos bigla mo na lang makakasalubong yung ex mo sa daan, as in wala ka ng kawala, nagkasalubong na kayo at binati ka na niya.

Naranasan ko na yan.  Yan yung mga oras na gusto mong sisishin yung itaas. Bakit ngayon pa? Bakit ngayong haggard pa ko? Pwede naman pag nakalipstick ako diba? O kaya naka kilay o nakablush on? Bakit kailangan pang mangyari na magkita kami ngayon pa? Wala man lang notification!

 Tapos bigla kong narealize, minahal nga niya ako dati diba?  So bakit ako naalarma na makita niya akong ganito?

 Dapat humanap tayo ng tao na kahit anong itsura natin, mamahalin tayo.  Kahit walang ayos, haggard, stress, bagong gising, bagong kubeta o ano man, tatanggapin at mamahalin pa rin tayo ng buo.

Siguro ayaw ko lang na makita niya na pagkatapos naming maghiwalay ay napabayaan ko na ang sarili ko.  Babawi na lang ako next time.

Ang Sawing Diary ni BarbaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon