"LEGS"

291 10 2
                                    

“LEGS”

Ang sakit ng legs ko! Dalawang legs ang sakit! 

Nagpractice kasi kami ng sayaw kahapon.  Limang oras kaming nag-eensayo ng sayaw para sa wedding anniversary  ng pinsan ko.  Madalian lang ang practice pero grabe ang mga steps, ang hihirap! Pang-payat! May lifting! Awang-awa na nga ako sa kapartner ko dahil feeling ko, pasan na niya ang daigdig sa tuwing binubuhat ako!

Hindi na kasi ako nagpapayat mula nung wala na tayo!  Ikaw lang naman ang reason kung bakit nagpapayat ako dati.  Ngayon wala ka na, wala na akong inspirasyon para pumayat.  Ikaw lang naman ang nagpupush sa akin magpapayat.  Galit na galit ka sa akin pag nakakadalawang rice ako pag nagdedate tayo.  Puro juice lang, walang softdrinks!

Ngayon ang sakit-sakit ng legs ko. Hindi ako makatayo ng maayos.  Tinatamad tuloy akong kuhanin ung tirang hotdog sa lamesa!  

Ang Sawing Diary ni BarbaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon