"Acai Blueberry Juice"

188 10 3
                                    

“ACAI BLUEBERRY JUICE”

Binuksan ko ang ref namin at naghanap ng maiinom.  Merong tubig, may gatas, may orange juice at may isang bote na kulay violet na red.  Kinuha ko ang bote at binasa ang nakasulat na flavor -  Acai Blueberry.

Hindi ko pa natitikman o nakikita ang ganitong flavor kaya trinay ko.  Medyo maasim na matamis-tamis. Masarap naman siya.  Kaya kinuha ko ang baso at nilagyan ng juice na acai blueberry.  Ininom ko.  Nang maubos ko na ang nasa baso ay sinalinan ko ulit ng Acai Blueberry Juice.  Uminom ulit ako.  Nang maubos ay sinalinan ko ulit, at uminom ulit.  Hindi ko namalayan na ubos na pala ang Acai Blueberry Juice sa bote, pero gusto ko pa.  Gusto ko pa talaga.  Pumunta ako sa tabing sari-sari store para bumili ng Acai Blueberry Juice, pero wala silang tindang ganoon, pumunta ulit ako sa isang pang sari-sari store, ngunit walang ganoong juice.  Hindi kasi pangkaraniwan ang juice na yun. Hindi basta-basta nabibili sa kung saan-saang tindahan lang.

Parang ikaw, hindi ka pangkaraniwan.  Kakaiba ka, may something sa’yo na sa tuwing makikita kita, kinikilig ako. Hindi ka pangkaraniwan.  Special ka.  Walang maihahalintulad sa’yo.  Kaya naman hindi kita mabitaw-bitawan dahil alam ko, hindi na ako makakakita na katulad mo.

Nagdecide na tuloy ako na pumunta sa mall para humanap ng acai-blueberry juice.  Pero wala pa din.  Nakita ko na marami pa palang ibang klaseng blueberry juice.  Kaya bumili ako ang sweet blueberry juice.   Pagdating sa bahay ay tinikman ko ang juice, masarap din pala siya. Uminom ulit ako ng marami hanggang sa naubos ko na ang isang bote.  Buti na lang, bumili ako ng lima pang bote ng sweet blueberry juice.

Minsan pala, kapag wala na talaga, kailangan mo ng humanap ng iba, hindi mo alam, mas sasaya ka pa pala sa bago mong makikilala.

Ang Sawing Diary ni BarbaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon