"TEXT"

139 11 4
                                    

“TEXT”

Hindi ako sanay magpaload sa labas.  Naka-line kasi ako sa Globe.  Kaya yung una kong experience na magpaload sa labas, grabe. Nakakaloka!

Hindi pa natin alam kung anong number ng isa’t isa noon.  Puro chat lang kasi tayo sa facebook. Minsan, late na ng gabi, nakahiga na ako at patulog na, bigla mo na lang hiningi ang number ko.  Syempre ako, nagpakipot muna kaya ang sabi ko, ikaw muna ang magbigay ng number.  Binigay mo naman. Kaso ang problema, Smart ka, Globe ako!

Hindi ko agad binigay yung number ko kasi baka madisappoint ka dahil magkaiba tayo ng network.  Kaya dali-dali akong lumabas ng bahay dala ang itouch at phone ko para pumunta sa tabing sari-sari store para bumili ng Smart simcard. Pero wala silang tinda, nagpunta ako sa kabilang tindahan, wala din silang simcard na tinda.  Nagwoworry na ako kasi hindi pa kita narereplyan sa facebook. Lakad lang ako ng lakad hanggang makarating na ako sa may palengke, sa may 711.  After twenty seven decades, sa wakas nakabili na ako ng smart na simcard.  Ininsert ko na ito sa phone ko at dali-dali kong chinat sayo yung bagong number.  After 10 secs., nag-ring ang phone ko. IKAW NA YON! First time kong maririnig ang boses mo sa phone.  Minomodulate ko pa ang boses ko nun para magandang pakinggan sa phone, pero ang sabi mo bakit parang may sipon ako.

Magkausap tayo sa phone habang naglalakad ako pauwi sa bahay.  Malayo-layo din ang nilakbay ko para lang maging pareho tayo ng network.

Pag uwi ko, galit na galit ang nanay ko bakit daw lumalabas ako ng bahay ng naka-panty lang?! At hindi pa match ang tsinelas na suot ko.  Sabi ko, Emergency.  Totoo naman, emergency! Kailangan kong marinig ang boses mo, kung hindi, mamamatay ako.

Hindi ko na namalayan ang suot ko dahil sa kaharutan. Pero keri lang, narinig ko naman ang boses mo, doon pa lang, bawing-bawi na ko sa kahihiyan. 

Ang Sawing Diary ni BarbaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon