"BUS"

155 13 0
                                    

“BUS”

Sa tuwing umuuwi ako galing opisina, sumasakay ako ng bus.  Lagi akong umuupo sa pangdalawahan at  sa may tabi ng bintana.  Punuan kasi ang bus kaya paisa-isa ang mga sumasakay sa bus.  Kapag hindi kaaya-aya ang sumakay sa bus, nilalagay ko ang bag ko sa bakanteng upuan sa tabi ko para hindi sila umupo sa tabi ko.  Kapag okay naman at mukhang malinis ang sumakay, kinakandong ko ang bag ko para may space. 

Naalala mo pa ba, na sa bus tayong unang nagkakilala. Tanda ko pa yun e. Dalawa kayong sumakay ng bus, yung una , isang malaki at matabang lalaki, kaya ang ginawa ko ay nilagay ko ang bag sa tabi ko para di siya umupo.  Hindi kita napansin nun dahil naharangan ka nung mataba, at akala ko isa lang siyang sumakay.  Nakatingin ako sa labas ng bintana para kunwari hindi ko pansin yung matabang sumakay.

Nang bigla kang nagtanong, “Miss, may nakaupo ba dito?”. Hindi agad kita sinagot dahil akala ko ikaw yung mataba, at hindi ko din kayang magsinungaling. Sumagot ako, “Wala, bakante yan” habang nakatingin ako sa labas ng bintana.  Sabay kinuha ko ang bag ko at nakita kita – Ang gwapo mo.

Napangiti ako sa tuwa, at sinuklian mo ko ng ngiti. Lalo kang gumwapo.  Hindi tayo nag-usap sa entire na byahe na yun.  Nahihiya ako na kausapin ka.  Kaya nung bumaba ka ay laking lungkot ko.

Hanggang sa mag-open ako ng facebook account at nakita ko na may isang friend request. Ikaw yun!

Inaccept ko ang friend request mo, at nagsimula tayong magusap.  Naiwan ko palang nakakabit sa akin ang ID ko kaya  mo nalaman ang pangalan ko.

Kaya sa tuwing sumasakay ako ng bus, lagi kong hinihiling na makasabay ulit kita mula na magkahiwalay tayo.  Lagi ko ng hinaharang ang bag ko kahit na pangit o gwapo ang sumakay. Gusto ko kasi ikaw nag tumabi sa akin.  Kaso hindi na.  Nasaan  ka na ba?

Ang Sawing Diary ni BarbaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon