"Wedding Anniversary"

143 12 1
                                    

“WEDDING ANNIVERSARY”

 Kabang-kaba ako.  Dahil ito ang araw na sasayaw ako sa maraming tao.  Bubuhatin ako ng kapartner ko at kekendeng habang yumawagayway ang kamay.  Kung hindi ko lang mahal ang pinsan ko, hindi ako sasayaw ng ganito. Pero para sa ikakatuwa niya, sige go, sayaw!

Tumugtog na ang “Sway” ng Pussycat Dolls at nagsimula na kaming sumayaw.  Okay na sana ang sayaw namin, pero bigla na lang napunit yung gilid ng damit ko.  Patay!  Siguro dahil mura lang ang bili doon.  Pero syempre, the show must go on.  Kaya sige, bira! Bigay na bigay ako, kendeng kung kendeng at lifting kung lifting.

Hindi pala porket mura ang bagay, ay igo-go mo na ito.  Dapat pala muna nating isipin ang kuwalidad  ng isang bagay.   Ganiyan ang lagi mong sinasabi sa akin sa tuwing sasamahan mo kong magshopping dati.  Na kahit may kamahalan basta tumatagal, solve na.  Kesa sa mura nga, agad mo namang papalitan.  Ang ganda ng advice mo, pero bakit ang relasyon natin, hindi nagtagal?

Natapos ang sayaw namin at pinalakpakan kami ng mga tao. Hindi na siguro nila napansin ang punit sa damit ko.  Ang saya ng feeling na may na-accomplish kang bagay.

Lumapit yung ka-partner ko sa sayaw, nakakaawa ang itsura, sabi niya, akala daw niya katapusan na niya kanina habang nililift niya ko. Sige, promise, next time, magpapapayat na ako o kaya, wag nyo na lang akong kuhanin sa sayaw kapag may lifting.

Ang Sawing Diary ni BarbaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon