“SCHOOL REUNION”
Masaya kapag nag-rereunion, makikita mo naman ang mga kaibigan mo dati, mga kaklase, mga dating crush, dating kaaway. Nakakatuwa na ilang taon na kayong magkakakilala pero andyan pa din sila.
Pero syempre, hindi mo maiiwasan sa kahit anong klaseng reunion ang mga tanong na hindi kaaya-aya.
“Ang taba mo na? Anyare sayo?” o kaya naman tatanungin ka ng “Bakit wala ka pang asawa?”
Kailangan talaga yung mga mali ang unang papansinin sayo, diba pwede munang “Hoy ha, ang puti mo na.” o kaya naman “Ang ganda ng kulay ng buhok mo, bet ko.” Saka lang nilang sasabihin ang mga ‘yan pag nakita nilang hindi ka natuwa sa unang comment nila na ang taba mo na o bakit wala pa akong asawa.
Naalala ko tuloy nung huling family reunion namin, sinama kita. Pinakilala kita sa buong angkan ko. At gwapong-gwapo sila sa’yo nun. Tumugtog ka pa nga ng gitara at kinantahan mo ko ng “Forevermore” sa harap ng buong kapamilya ko. Tapos bigla ka pang nagmessage na sweet after mong kumanta.
Tapos ngayon, may School reunion, wala akong kasama. Sa susunod na buwan naman, family reunion naman. Tumaba na nga ako, wala ka pa. Ano na lang ba ang gagawin ko?
Miss na kita.
BINABASA MO ANG
Ang Sawing Diary ni Barbara
Short StoryNaiwan ni Barbara ang kanyang diary na pakalat-kalat sa Wattpad. Sino nga ba si Barbara? At bakit sawi ang kanyang diary?