"Michael Buble"

245 9 1
                                    

“MICHAEL BUBLE”

Ang ingay-ingay na tugtugan ng kapitbahay - puro rak-rakan! Nakakarindi tuloy.

Pero bigla na lang huminto yung rakrakan na soundtrip.  Narinig ko pinapagalitan ng nanay yung anak niya sa tugtugin niya.   Buti na lang natahimik na.

Maya-maya ay bigla ko na lang narinig ang kantang “Put your head on my shoulder” na version ni Michael Buble.  Narinig ko na naman ang malamlam na boses ni Michael Buble!   Aww- ang ganda!

Napakasenti.  Kung sino mang lalaking manliligaw sa akin na kaboses ni Michael Buble at kakantahan ako ng “Everything” on public, sasagutin ko agad-agad!

Pero siyempre, iba pa din yung “This I Promise You” mo na kinanta mo sa akin sa public sa loob ng Worlds of Fun noong 6th Monthsary natin, kahit na hindi ka ka-boses ni Michael Buble, bentang-benta pa din yun.  Ikaw ang the best!

Pero syempre ngayon, hindi mo na ako kakantahan.  Hindi na tayo eh. So dito muna ako kay Michael Buble ng kapitbahay.

Ang Sawing Diary ni BarbaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon