"Divisoria"

163 11 1
                                    

“DIVISORIA”

Malapit na ang wedding anniversary ng pinsan namin kaya kailangan na naming bumili ng costume. Lahat naman tayo ay mayroong kundi pinsan ay kaibigan na kuripot.  At isa dun ang ate pinsan kong head sa sayaw namin.  Kaya nagpunta kami sa divisoria upang humanap ng mga costumes.

First time kong pumunta ng divisoria at na-impress ako dahil ang mumura ng mga damit.  Nakakahassle nga lang dahil sa sobrang dami ng tao ay para na kayong sardinas na nagsisiksikan. Nakarating kami sa 168 mall kung saan nakakita si ate pinsan ng perfect costume para sa sayaw namin. 

400 isa ang costume.  Tuwang-tuwa ako dahil napakamura ng 400 para sa ganoong klaseng costume.  Pero humirit si ate pinsan sa tindera, “200?”.  Wow ha! Tawad kung tawad.

 Humirit ang tindera “350!”, Hirit si Ate “250?”, Umiling ang tindera, “300?” sabi niya.   DEAL!

Nakakamangha, may mga bagay pa talaga na  mura sa mundo.  Dapat pala, marunong  na akong pumunta sa divisoria noong tayo pa para nakatipid ako sa mga regalo ko sayo sa mga monthsaries at anniversaries natin.

Ang Sawing Diary ni BarbaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon