05

580 11 0
                                    



"I miss you, too, Eli.." nakangiting sabi nya.


"I'm sorry.. I didn't mean to say this," mahinang sabi ko. "I'm sorry.. pinagulo ko lang ang sitwasyon. Wag mo nang pansinin ang sinabi ko, Jerrold.."


His brows furrowed. "Huh?"


"I need to go.."


"Eli!"


Nanlaki ang mata ko nang makita si Xhenlai na tumakbo palapit sa amin.


"Let's go, magsisimula na kayo.." sabi nya sa akin.


Bakit nya ako sinundan?


"Okay.." mahinang sabi ko saka tumingin kay Jerrold.


"Go ahead.." sabi nya.


Tumango lang ako at lumapit kay Xhenlai. Pinagmasdan nya lang ako na lumapit sa kanya. Hindi ako nagsalita at nagpaunang lumakad.


Why did I say that?


Lalo ko lang pinagulo ang sitwasyon naming dalawa.


"I heard you.." sumabay sa paglalakad ko si Xhenlai. "Do you still love him?" Mahinang tanong nya.


Hindi ako sumagot at bahagyang natigilan. Bakit kapag sya ang nagtanong ayokong sagutin. Natatakot ako sa maaari kong maisagot. Ayokong sabihin sa kanya na mahal ko pa si Jerrold.


Mahal ko pa nga ba sya? O tapos na ako sa nararamdaman ko para kay Jerrold?


"I don't know.." komplikado kong sagot. "Oo? Minsan alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin sya, pero.. nakakapagod." Sabi ko.


Sa totoo lang ay naguguluhan pa rin talaga ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko tuwing kasama ko si Xhenlai. Pero hindi ko rin maitatanggi na may nararamdaman pa ako kay Jerrold.


Dahil ba hindi pa rin ako naliliwanagan sa nangyari sa amin?


Hindi ko na alam.


"Hirap kalabanin ng unang pag ibig, no?" Saad nya.


I looked at him. "Why?"


"Kita mo ikaw, alam mo sa sarili mo na mahal mo pa rin sya." Sabi nya.


"He's not my first love," seryosong sabi ko.


Nakita ko syang matigilan. "Huh?"


"My bestfriend.." mahinang sabi ko. "He's my first love," dagdag ko pa.


"Sino? Si Aries? Si Tom?" Tanong nya pa.


Natawa naman ako. "None of the above," sabi ko.


"E di sino?"


"I don't remember his name.." Napatitig ako sa dinadaanan naming dalawa. "I only remember his face when we were both kids.. blurry nga sa alaala ko e, but my feelings for him, I can clearly remember my feelings for him." Ngumiti ako.


My feelings for him.. yung nararamdaman ko sa kanya na nararamdaman ko rin sayo. Bagay na hindi ko maipaliwanag.


"You can say it was just a puppy love. Pero para sa akin hindi, kahit na bata pa lang kami noon. Pakiramdam ko, totoo yung nararamdaman ko para sa kanya." Malungkot na sabi ko.


Kaya gusto ko ulit syang makita. Kaya gusto ko ulit maalala ang pangalan nya. Baka nasa paligid ko lang sya. Bakit pa kasi nangyari yung insidente noon, bakit ako pa.


Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon