27

329 10 13
                                    



"Wow," usal ko nang makarating kami sa Bantay Bell Tower.


Halos kalapit lang ito ng Vigan Cathedral kaya naisipan na rin namin ni Xhenlai na pumunta dito. Marami pa ring Turismo ang narito, medyo tirik na rin ang araw, nakasando pa naman ako. Mabuti na lang at may dalang payong si Xhenlai. Laging handa to parang boy scout.


"There! Stand there, Xhenlai, dali!" Sabi ko saka excited na tinapik ang braso nya para papwestuhin sya sa magandang spot.


Nakanguso naman syang sumunod. Ano ba, angganda dito. Dapat marami syang pictures para ipopost nya at makikita ng followers nya. I took a photo of him on my camera. I took a couple of shots pa lang ayaw na nya, naiinitan na siguro. Habang bumababa sya sa hagdan papalapit ulit sa akin ay pinicturan ko sya ng stolen gamit ang phone ko.


Tiningnan ko kung maganda. Taray! Kahit stolen gwapo pa rin, anong sikereto mo, lods? Nakaka-inis kasi anggwapo nya. Sarap mong mahalin huhu.


Nang makalapit sya sa akin ay itinabi ko na ulit ang phone ko. Nagpatuloy kami sa pag-akyat. Bumaba pa sya, hindi na lang nya ako hinintay, aakyat tuloy ulit sya. Pero hindi naman ganoon karami yung aakyatin namin.


After naman namin dito ay maglulunch na rin kami. Nang makarating kami sa taas ay nagpicture kami. Puro picture. Picture dito, picture doon. Natutuwa ako dahil sinasabayan nya ako.


"Angganda dito, no?" Sabi ko.


Angsarap kasi sa feelings, parang sinauna, ganon. I love that feeling pa naman. History is one of my favorite subject. And this place reminds me of the old Philipines, especially the Spanish Colonial Period.


Angganda ng Pilipinas, sinisira lang ng mga taong naninirahan.


"Do you want to live here?" Tanong nya.


Agad akong tumango. "Oo naman," sagot ko.


Tumingin sya sa akin. "Do you want to live here with me?"


Hindi agad ako nakasagot. Napatitig muna ako sa kanya. "Syempre naman," sagot ko.


Ngumiti sya. "Good."


"Gutom ka na?" Tanong ko.


"Medyo. Ikaw?"


"Yeah. Tara na?" Aya ko.


Tumango sya at inilahad ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon, inalalayan nya akong bumaba. Sumakay muli kami sa kalesa. Napili naming kumain na lang sa resto malapit sa hotel.


"We're gonna go to Bangui Windmills later," sabi nya sa akin.


Nagulat akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Really?!" Masayang tanong ko.


Nakangiti syang tumango. "Yes. But before that we're gonna visit Syquia Mansion, Crisologo Museum and the famous Jar Factory here. Sayang the National Museum is too far from here, baka bukas tayo makapunta roon kapag may time pa." Mahabang sabi nya.

Napapalakpak ako sa tuwa. Sobrang dami naming pupuntahan ngayong araw. Sana rin ay makapunta kami sa National Museum.


"I'm so excited! Thank you for bringing me here, Xhenlai." Nakangiting sabi ko.


Ngumiti sya. "No problem. I'm glad you're enjoying." Nakangiting sabi nya.

Excited naman akong tumango. Nang matapos kaming kumain ay bumalik kami sa hotel para magpahinga sandali. Kuya also called me, kinakamusta ako. After namin mag-usap ni Kuya ay lumabas na muli kami ni Xhenlai dahil sayang ang oras. It's almost 1pm na rin. We ride Kalesa to explore the rest of Vigan Heritage Village.


Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon