09

472 12 0
                                    



Mabilis lang na dumaan ang araw. Sa isang araw ay pupunta kami sa Baguio gaya ng napag usapan namin.


Linggo ng gabi ngayon at wala naman ako masyadong ginagawa. Ang mga kaibigan ko ay busy rin. Hindi umuwi sila mommy at daddy dahil sa dami ng trabaho nila ngayong linggo. Nakahiga ako sa kama ko ngayon at iniisip kung kailan ko makakausap si Jerrold.


Pakiramdam ko ay hindi pa ako handa. Anghirap naman kasi ng ganito, gusto mo pa pero tama na. Gusto mo na mag heal pero gusto mo pa ulit subukan.


Parang tanga naman. Hindi ko maintindihan yung sarili ko, nakakainis. Pero alam ko, sigurado na ako. Handa na akong umusad, handa na akong mag heal.


"Elisabeth!" Napatalon ako sa kama ko nang narinig ang lasing na boses ni Jenwel.

What the hell?


Agad akong lumapit sa pintuan para buksan iyon. Nagulat ako sa itsura ni Jenwel, she's wasted.


"What the hell? Anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ko.


Lasing si gaga. Paano pati sya naka akyat dito, buti hindi sya nahulog sa hagdan. Jusko naman, Jenwel Fhaye!


"Hi!" Ngumiti pa sya, nakapikit na nga.


"Ano ba? Saan ka galing?" Tanong ko.


"Dun! I want to drink, e." May tinuro pa sya.


Inalalayan ko naman sya papasok sa kwarto ko. Umupo sya sa couch at inilapag ang bag sa kalapit nya.


"Dito ka sa kama, matulog ka." Sabi ko.


Umiling sya. "Ayaw."


Napabuntong hininga naman ako. "Daya neto, hindi nag aya. Inom na inom na rin ako dito," sabi ko sa kanya.


"Dito muna ako. Uwi rin ako bukas." Sabi nya at humiga sa couch.


"Dito ka, mahihirapan ka dyan!" Sabi ko sa kanya saka sya hinila patayo. "Oh! Tangina, wag kang susuka sa akin, hindi kita mapapatawad. May bathroom doon," turo ko sa bathroom ng kwarto ko.


Tumango lang sya bago pumunta dun sa kama ko. Nagulat ako ng tumalo sya doon at padapang bumagsak sa kama.


"Bakit ka ba kasi nag inom? May problema ba?" Tanong ko. Umiling sya, nakapikit na. "Pwede ka magsabi sa akin anytime, ha?" Sabi ko.


Tumango sya at dumeretso na sa pagtulog. Inayos ko pa ang pwesto nya pati yung kumot. Ano kayang nangyari? Hindi naman sya mag iinom kung walang problema.


I sighed before going inside my bathroom. Kumuha ako ng towel at binasa iyon bago lumapit kay Jenwel at pinunasan sya. Kinabukasan naman ay maaga akong gumising, naabutan kong nagluluto si Manang.


"Oh, kamusta na si Jenwel?" Tanong nya.


"Tulog pa po, Manang." Sagot ko.


"Nako, ako nga ay nagulat rin nang magpunta dito kagabi at lasing pa. Ano kayang nangyari sa batang yon." Napapailing na sabi ni Manang.


Hindi ako nakasagot. Maging ako ay hindi rin alam kung anong nangyari. Lumabas si Manang ng kusina oara ayusin ang mga niluto nya sa dining table. Ako naman ay lumapit sa kitchen island namin at umupo sa high chair doon.


"Sige na, gisingin mo na ang kaibigan mo para makapag agahan na kayo." Sabi ni Manang.


Tumango naman akk bago bumaba sa inuupuan ko. Umakyat ako sa kwarto ko at nakita si Jenwel na nag aayos na.


Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon