24

410 11 3
                                    



"Until now.. nakakulong pa rin ako sa nangyari.." she said, crying. "I'm still blaming myself.. sa pagkamatay ni Cass, sa nangyari sayo."


There's a big chance na maalala ko sya after ko maoperahan pero sinabi nya kina mommy na wag na. Wag na syang ipaalala sa akin.. kaya nung makaalala ulit ako. I only know her as someone I know and my classmate. At doon nagsimulang lumayo sya sa akin dahil sa takot na baka maalala ko ulit sya.


Hindi nya sinabi sa akin lahat ng nangyari noon. Lahat ng pinagsamahan namin. Hindi ko rin alam kung bakit. Dahil ba gusto nya na ako ang kusang makaalala? Hindi ko rin alam. Pero hindi ko na rin sya pinilit na sabihin pa sa akin.


Kumalma kaming dalawa. Parehong nakaupo sa swing, ang langit ay tuluyan nang binalot ng dilim. Lumubog na ang araw at ang buwan naman ay unti unti nang lumilitaw.


"Stop blaming yourself, please.. It's not your fault." I told her. "It will never be your fault. Hindi mo naman ginusto ang nangyari.."


Nagbaba sya ng tingin. "Hindi ko maiwasan.."


Hindi ako sumagot. Humarap na lang ulit ako sa harapan ko. Nabalot kami ng katahimikan. Ilang minutong walang nagsalita sa aming dalawa.



"Eli.. hindi ka ba galit sa akin?" Tanong nya.


Napatingin ako ulit sa kanya. "Hindi.." sagot ko. "Nagtataka nga rin ako, e. Lagi kang masungit sa akin, naiinis ako pero hindi ako nagalit. Pero ngayon naiintindihan ko na kung bakit mo ginawa yon." Sabi ko.


See, you're too selfless. Ako na natitira mong kaibigan tinulak mo palayo dahil nag-aalala ka na baka mapahamak ako ulit. Kahit hindi mo naman iyon kasalanan. That's how kind your heart is.


She may look like a cold person but deep inside she care. And I feel so touched by that. She just want to protect me.


"How peaceful.." mahinang usal nya.


Napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya sa buwan ngayon. Kumikinang ang mga mata nya habang nakatingin sa buwan. She really adore the moon so much. Mukha syang malaya habang nakatingin sa buwan, hindi mo makikita sa kanya ang malungkot at nasasaktan na Heather kagaya kanina.



I remember her face while telling me how much she love the moon, stars and sunset. Kagayang kagaya nya pa rin ang itsura niyon. There's still a wide smile on her face.


"You love the moon so much," sabi ko sa kanya.


Nakangiti syang tumingin sa akin. "I want to go there.." sabi nya. "Ikaw rin naman, ah. You love the moon so much. It's our comfort.. lalo na nung nawala si Cass. Lagi natin pinag-uusapan na si Cass yung star sa kalapit ng buwan." Sabi nya.


Nag angat ako ng tingin sa buwan, may nakita aking star doon. Nag-iisa lang sya sa kalapit ng buwan. Napangiti ako, si Cass siguro yon. Sinasamahan nya kami ngayon ni Heather.


I'm sorry, Cass.. I'm sorry dahil nakalimutan rin kita. But it lessen the pain that I felt because I still remember your voice. I still remember how your voice sounds like.


Cass.. marami na akong naaalala ulit. Isa ka na doon. I want to meet you again. Wait for me there, we will meet again soon.


"Kapag ako nagkaroon ng anak.. Luna ang ipapangalan ko." Biglang sabi ni Heather. Napatingin naman ako sa kanya. "Maganda naman yun diba? O kaya, Selene." Nakangiting sabi nya.


Sa ngiti nya, halatang gusto nyang magkaroon ng pamilya at anak.


"Kailan mo gustong magkaanak?" Tanong ko.


Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon