26

379 10 13
                                    



We're on our way to Vigan. It's a long way trip since nasa Laguna kami. Sinabi ko naman kay Xhenlai na kapag gusto nyang matulog ay magpalit kami at ako na muna ang magdadrive. Hindi naman kami maliligaw dahil gamit rin namin ang Waze.


"Sure wala nang naiwan?" Tanong nya sa akin.


Tumango ako. "Yeah. I'm excited." Nakangiting sabi ko.


Sumakay na kami sa loob at nagdrive na sya paalis. Kahapon pa naka alis si mommy at daddy papunta sa Manila. Si Kuya na naman ang maiiwan mag-isa sa bahay. Well, madalas rin naman silang umalis ng friends nya.


"What do you want for breakfast?" Tanong nya sa akin habang nagddrive.


Napaisip naman ako. "Drive thru na lang tayo?" Tanong ko.


"Sure," sagot nya. "I called the hotel where we gonna stay for two nights." Sabi nya.


Tumango naman ako. So magchecheck-in na lang kami pagdating namin doon. Malapit lang yung hotel sa Vigan's most popular tourist attraction, Calle Crisologo. I smiled at myself, I'm so excited.


Dumaan kami sa drive thru. 5:30 am pa lang, siguro mga 1 or 2 pm pa kami makakarating doon. Nag-usap kami ni Xhenlai tungkol sa mga bagay bagay habang nasa byahe. Hindi rin sya makakain kaya sinusubuan ko sya. We ordered pancakes and fries, pareho ring coffee ang drinks namin. Hot Choco dapat ang pipiliin ko kaso baka antukin ako kapag nagdrive ako.


Ilang oras na rin kaming nasa byahe. Napangiti ako nang makita na ang araw na sumikat. Open ang daan kaya kitang kita ang araw.

"Can I take a video of you while driving? I want to do a mini vlog," nakangiting sabi ko habang hawak ang phone ko.


Ngumiti naman sya at tumango. Excited kong binuksan ang phone ko at pinunta sa camera. I filmed the sunrise, Xhenlai and the road. I'll film more kapag nandoon na kami.


"You love taking pictures and videos, hm?" Nakangiting tanong nya.


Tumango ako. "Yup. Ikaw rin, ah?" Sabi ko.


Umiling sya. "Nope. Just when I'm with you.. I want to treasure every memory I have with you." Sabi nya.


"Really?" Nakangising tanong ko.


He proudly nod. "Yup. I really don't take pictures or videos not until you came," he looked at me.


Napangiti ako. Ako kasi, may ibang dahilan kung bakit gustong gusto kong kuhanan lahat ng mga magagandang alaala. Hindi naman naiiba sa kanya pero I think mine is a bit deeper? I don't know.. or maybe we're just same.


"How about you?" Tanong nya.


Tumingin ako sa kanya. "What about me?" Tanong ko pabalik.


"What makes you want to capture every beautiful moment you have?" Tanong nya.


Napatingin naman ako aa daan saka sumandal sa inuupuan ko. I smiled. "For memories.. because I'm scared I might forget everything again." Sabi ko.


I take pictures for memories. I value memories a lot. I love to take photo of everything. Because for me, photos has a unique power of memories. Photos are memories. The unique power of it to secure and protect a memory.


Memories are important to me. Because of the things that happened and the things that i forgot.. Photos became the only way for me to keep my memories secured. Hindi ko rin kasi maiwasan na hindi matakot, paano kung isang araw mawala ulit ang alaala ko? Alam kong imposible na yun pero hindi pa rin natin masasabi.



Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon