36

459 10 16
                                    



"Fly high, Heather,"


Pinakawalan ko ang hawak ko na lobo. Pinananood ko ang mga lobo na pinakawalan namin. Gusto kong umiyak pero wala na akong mailabas na luha.


Nag-alisan na ang mga nakipaglibing. Nanatili naman ako sa harapan ng puntod ni Heather. Hinawakan ako sa balikat ni Tita Hazel kaya napatingin ako sa kanya.

"Tita.." usal ko.


Ngumiti sya sa akin. "Thank you, Eli. Thank you for being there for my daughter." Namuo ang mga luha nya. "Be happy for her, okay? Yun lang ang gusto nya, yun ang lagi nyang sinasabi sa akin noon pa man." Sabi nya.

Hindi ako nagsalita at wala sa sariling tumango. Nagpaalam sya sa akin na aalis na. Ako ay napaupo sa harap ng puntod ni Heather, ayoko pang umalis. Lumapit naman sa akin si Xhenlai at niyakap ako.


She suffered a lot.


She have suffered enough..


She fights, but there is no war..


She tried.. she tried and now, she's tired.


And yes, she chose to rest.. forever.


Masakit pa rin. Paulit-ulit ko na lang yatang sasabihin na masakit. It hurts. I swear, it hurts so much. Pagsuko na lang ang nakita nyang paraan para malampasan lahat ng sakit.


I once asked, do you think the star will hurt the moon?


I found the answer now. Yes, the star hurt the moon in the most painful way. When we thought only the star will disappear when everything seems fine, but no.. she also left the moon on her darkest times. But I want to say..


Thank you for being my star, Heather.


"Babe, let's go?" Tanong sa akin ni Xhenlai.


Tumingin ako sa kanya at tumango. Hindi ako nagsalita sa byahe namin pauwi sa Manila. Sa condo nya kami dumeretso dahil ayokong mag-isa. Baka umiyak na naman ako hanggang sa makatulog. Mararamdaman ko na naman nag mag-isa ako. Mag-iisip na naman ako ng kung ano-ano kaya sabi rin ni Xhenlai sa condo na muna nya ako.


"Maliligo lang ako then ipaluluto kita ng dinner, okay? Take a rest, love." Sabi nya sa akin saka hinalikan ang noo ko.


"I love you, Xhenlai. Thank you.." ngumiti ako ng maliit sa kanya.


Ngumiti sya at dinampian ako ng halik sa labi bago pumasok sa loob ng kwarto nya para maligo. Nanatili naman ako sa sala nya. Blangko ang isip ko ngayon pero punong-puno ng sakit yung dibdib ko. Ambigat. Anghirap buhatin.


Napapikit ako at may butil ng luha ang tumulo mula sa mata ko. Agad ko itong pinunasan. Tatayo na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko. May nagnotif, agad ko namang tiningnan kung sino ito. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Gianna.


yagirlgianna: sent a photo.


It was her and Xhenlai. She was kissing Xhenlai habang nasa kama sila, nakaupo si Xhenlai sa kama habang sya ay nakayuko kay Xhenlai. Saan to? Hindi ito kwarto ni Xhenlai. Nanginig ang mga kamay ko at namuo ang mga luha ko. Para akong sinasaksak sa nakita. Pwede bang tama na muna ang sakit? Sunod-sunod.. pwede po bang magpahinga muna sa lahat? Gusto ko nang takbuhan lahat..


yagirlgianna: oops wrong send


yagirlgianna: sorry but your boyfriend's lips taste really goooood!


Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon