29

347 9 15
                                    



We're busy right now dahil bukas na ang orientation. Sobrang dami naming kailangan gawin para sa booth ng caregiving. Nasa field kami ngayon dahil dito ang pwesto namin. May mga booth rin ang iba't ibang clubs kaya sobrang busy rin ng lahat.


Hindi ko pa nakikita yung tatlo, busy rin siguro sa booth nila. Lalo na yung dalawa, si Aries at Tom dahil kasali rin sila sa Music club, meron rin kasing booth doon. Tapos bukas magpeperform ulit sila.


"Snacks, guys," alok ni Iris, kaklase namin.


Tumigil kami sa ginagawa at lumapit sa kanya. Umupo muna ako at pinaypayan ang sarili dahil sobrang init talaga. Umaga pa lang naman at halos kalahati na yung natatapos namin sa booth.


"Heather, tara muna dito!" Tawag ko sa kanya dahil nagdedesign pa rin sya.


"Wait, tatapusin ko lang to," sabi nya at may idinikit dun sa booth namin.


Nang matapos na rin sya ay lumapit sya sa amin. Uminom lang ako ng tubig dahil hindi naman ako nagugutom. Si Laurice ay umupo sa kalapit ko habang si Fiona at Jenwel naman ay wala, inuutusan kasi sila sa clinic.



"Laurice," pareho kaming napatingin ni Laurice sa likuran.


Nakita ko si Asher na nakatayo sa likod ni Laurice. Nagpalitan ako ng tingin sa kanilang dalawa. Hindi naman makatingin sa akin si Laurice, tumayo sya at lumapit kay Asher. Pinanood ko pa silang umalis bago muling ibaling sa harapan ko ang paningin.


Anong meron? May lovelife na si Laurice?


"Huy, ano naman iniisip mo?" Lumapit sa akin si Heather at umupo sa katabi ko, yung inuupuan ni Laurice kanina.


Tumingin ako sa kanya at umiling. "Wala naman," sagot ko.


"Malaki na si Laurice, pwede na yun mag boyfriend," sabi ni Heather.


Natawa naman ako. "Oo nga. Pero mukhang playboy yung Asher, no?" Sabi ko.


Tumingin naman sya sa akin at natawa. "He is. Pero sa nakikita ko naman, he's different when he's with Laurice."


"Siguro nga.. wag nya lang talaga sasaktan si Laurice!" Sabi ko saka kami tumawa.


Nagpatuloy kami sa pag-aayos. Wala kaming klase dahil busy sa pag-aayos. Bukas naman ay yung orientation na kaya sa isang araw pa kami magkakaroon ng klase. Kami lang tatlo ni Fiona at Jenwel ang sabay-sabay na kumain. Hindi pa kasi bumabalik si Laurice, siguro ay naglunch na rin sya kasama ni Asher.



Nung hapon naman ay malapit na kaming matapos sa booth. Buong maghapon talaga kaming hindi nagkita ni Xhenlai kahit nasa iisang school lang naman kami dahil malayo pala yung booth nila, malapit pala sila sa computer lab kaya hindi namin sila makita. May mga games rin katulad sa amusement park na ginawa yung ibang clubs. Pupunta rin kasi yata ang mga taga ibang school.


6pm na yata kami natapos dahil naglinis pa kami at inayos ang mga gamit sa loob. Habang naglalakad ako mag-isa papunta sa parking lot para umuwi na, nagulat ako nang makita ang kotse ni Xhenlai sa kalapit lang ng kotse ko. Hinintay nya ba ako?


Lumapit ako doon at nakita syang nakasandal sa unahan ng kotse nya habang nilalaro ang susi nya sa isang kamay habang ang isa naman nyang kamay ay nakapamulsa. Napangiti ako habang papalapit sa kanya, napansin naman nya agad ako dahil wala na masyadong estudyante dahil anong oras na rin naman.


Ngumiti sya at hinintay akong makalapit sa kanya. Nang makalapit naman ako ay sinalubong nya ako ng yakap. I hugged him tight. Kahit sobrang pagod ko kanina, parang nabawasan na rin kahit papano.


Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon