47

443 11 4
                                    



Umuwi rin ako sa Manila nung linggo. Sila Aries na daw ang bahala sa Laguna. Marami pa rin kasi akong naiwan na trabaho dito sa Manila kaya kailangan ko na rin umuwi.


"Attorney, hinahanap po kayo ni Engineer," pumasok sa office ko ang secretary ko.


Napatingin naman ako sa kanya. "Papasukin mo," utos ko.


Tumango naman siya at lumabas. Muli akong bumaling sa laptop ko at nagtype doon. Pumasok naman si Xhenlai at lumapit sa table ko, umupo siya sa chair sa harapan ko.


"What do you need?" Tanong ko.


Umuling naman siya. "Gusto lang kita makita," sabi niya. He rested his chin on his palm, looking at me.


"Wag mo akong titigan," sabi ko.


"Bakit? Nakaka-distract ba yung tingin ko?" Tanong niya.


"Hindi," sabi ko. "Wala ka bang ginagawa at ako ang ginugulo mo?" Tanong ko.


"Wala, aayain nga kitang maglunch, e." Sabi niya.


Napangisi naman ako. "Libre mo?" Tanong ko.


Tumango siya. "Of course, babe," sagot naman niya.


Ngumiti ako. "Oh, ano pang hinihintay mo? Tara na," sabi ko saka tumayo.


Kinuha ko ang bag ko, siya naman ay natatawang tumayo rin. Lumabas kami sa office ko. Nakasalubong namin si Luke papunta sa elevator.


"Attorney! Engineer!" Bati niya sa amin. "Saan punta niyo? May date kayo?" Tanong niya.


Natigilan naman ako nang makitang mukhang pagod na pagod si Luke, mukhang kulang rin siya sa tulog. Okay lang ba siya? Mukhang galing rin siya sa pag-iyak. Anong nangyari?


"Yes," sagot ni Xhenlai.


"Uy, sana all. May label na ulit?" Tanong ni Luke.


Hindi ako nagsalita at pinagmasdan lang si Luke. Hindi siya okay. Nakangiti siya pero hindi siya okay. Alam kong may nangyari, alam kong may problema siya. Masayahin siyang tao pero alam ko kapag hindi siya okay. He's hiding his true feelings.


"Pag nilagyan ko ng label, asawa na dapat," ngumisi si Xhenlai.


Tumawa si Luke. "Iba rin 'to bumanat, 'no?" Tanong niya sa akin. "Sige na, ingat kayo," sabi niya sa amin bago nagpatuloy sa paglalakad.


Tatawagin ko pa sana siya pero mabilis siyang nakaalis. Kami naman ni Xhenlai ay dumeretso na sa elevator. Pumunta kami sa mall para doon kumain.


"Babalik rin ako sa Laguna sa isang araw," sabi ko kay Xhenlai habang kumakain kami.


"Sama ako," sabi niya.


Kumunot ang noo ko. "Wala kang trabaho?" Tanong ko.


"Isang araw lang naman," sabi niya. "Babalik rin ako kinabukasan, wala akong trabaho nun, e."


Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon