03

632 12 0
                                    



If you keep pretending you aren't hurt then you won't be able to heal. Pretending is okay but know your limitations. You can't always hide behind a mask, you can't always say you're okay.


If you can't heal, learn to forgive. Maybe that's the answer for you to move forward. Healing takes time and it also takes courage. Don't rush every thing, trust the process.


"Huy, mukhang malalim ang iniisip mo, ah?" Umupo sa kalapit ko si Tom.


Umiling ako. "Wala naman," I smiled.


Narito kami ngayon sa library. Kaming dalawa lang, yung iba naming kaibigan ay may ibang pinagkakaabalahan.


"Weh? Mukhang malalim nga iniisip mo, e," sabi pa nya.


Wow. Nasisid nya ba yon?


"Iniisip ko lang kung makakapasa ako ngayong quarter," i lied.


"Syempre naman. Mukha ka lang tamad pero matalino ka." Sabi nya pa.


Nginitian ko sya. "Tom, may nagugustuhan ka na ba ngayon?" Tanong ko sa kanya.


Kasi imposibleng wala syang magustuhan. Maraming magaganda, matatalino at mababait dito sa school namin o kahit sa ibang school.


Nagulat naman sya sa tanong ko. "Ah.. wala," sagot nya.


"Eh? Bakit?"


"Ball is life," sagot nya bago umiwas ng tingin.


Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang binabasang libro. Nung uwian naman ay kay Kuya Dale ako sumabay. Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging busy rin kami sa training.


"Set!" Sigaw ko.


Narito kami ngayon sa court dahil may training kami.


"Good!"


"Mine!"


"Set!"


Palitan namin ng sigaw. Nang magbreak naman ay nasa bench lang ako at nakaupo. Kumunot ang noo ko nang makita ang basketball team na pumasok sa loob ng court.


"Anong meron?" Tanong ko sa mga kateam ko.


"No idea,"


"Kaya nga, why are they here?"


"Xhenlai is here!" Si Rica.


Lumapit sila sa coach namin. Nagtama ang paningin namin ni Xhenlai agad akong umiwas bg tingin at tumalikod. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.


"Okay, girls, listen.." humarap ako nang marinig ang boses ni coach.


Iniiwasan ko ang mata ni Xhenlai dahil ramdam ko ang tingin nya sa akin. Ano bang problema nito? Tumingin ako nay Aries at Tom, binigyan ko sila ng nagtatanong na tingin.


Bakit ba sila nandito?


"Hahatiin natin ang court dahil dito muna ang basketball team. May inaayos kasi sa basketball court." Sabi pa ni Coach.


Nagtanguan naman ang mga kasama ko. "So hindi po muna kami maglalaro?" Tanong ni Kayleen.


Tumango si coach. "Yes. By partner na lang muna. Ganon rin naman sila, they just need to warm up." Sagot nito. "Back to practice."


Sabay sabay kaming bumalik sa court. At dahil may net naman yun ang naging hati ng basketball team at Volleball team.


Hawak ko ang bola at isa isa kong pinasa sa mga kateam ko. Papaluin, iseset, ihahagis, ganon ang ginawa ko. Binabalik naman nila iyon sa akin ng maayos at malinis. Magaling ang mga kateam ko kaya may tiwala ako sa kanila.


Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon