01

1.2K 24 1
                                    



Nakaupo ako dito sa bench kasama si Laurice. Wala pa yung dalawa naming kaibigan dahil nasa canteen pa, bumibili ng pagkain. Nagbabasa si Laurice habang ako ay naka upo at nakatulala.


"Hoy, mag aral ka nga," sabi sa akin ni Laurice.


Sumimangot naman ako. "Puro ka aral," sabi ko.


"Aba'y malamang! Nasa school tayo. Anong gusto mo, mag inom ako dito?" She rolled her eyes.


"Ay bet!" Tumawa ako.


"Gaga,"


Hindi na nya ako ulit pinansin. Dumating na yung dalawa kaya lalong umingay. Napilitan tuloy si Laurice na isara ang libro nya at makipag kwentuhan na lang sa amin.


"Eli, narinig ko kanina sa canteen, nakabalik na raw si Jerrold," sabi ni Jenwel.


Natigilan naman ako at napatingin sa kanya. "Oh, ano naman?"


"Naka move on ka na ba?" Tanong nya.


Hindi ako agad nakasagot. I also asked myself the same question everyday. Naka move on na nga ba ako? It's been a year since we broke up. Naka move on na siguro ako.


"Oo naman," sagot ko.


Hindi ako sigurado..


May mga araw na gusto ko na syang kalimutan, may mga araw na hinihiling kong sana nasa tabi ko pa rin sya. Sana ako yung pinili nya. Napapagod lang siguro ako pero mahal ko pa rin sya.


We've been together since first year and we ended after almost a year. Ewan, napagod yata siya, e. Wala naman siyang explanation kung bakit niya ginawa sa akin 'yon. Kung bakit niya ako niloko, basta na lang siyang nakipaghiwalay at umalis. Kaya siguro hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakausad, kasi may kulang pa.. may gusto pa akong malaman. 


Naging tahimik na ako hanggang sa matapos kami. Babalik na kami sa classroom pero hindi na rin ako nagsalita ulit. Iniisip ko na babalik na sya, hindi na ako mapakali. Buong klase tuloy ay lutang ako, wala akong naintidihan sa lessons!


"Una na kayo umuwi mamaya, may training pa ako." Sabi ko sa kanila habang naglalakad kami papunta sa canteen dahil break namin.


"Manonood kami!" Sabi ni Jenwel.


"Gaga, doon ka sa basketball court manood, walang lalaki sa volleyball court," sabi ko sa kanya.


"Ito naman! Panonoorin ka na nga eh!" Sabi ni Jenwel.


Pagpasok namin sa canteen nakita agad namin yung dalawa, si Tom at Aries. Kumaway sila bago lumapit sa amin. Kasama nila yung mga kateam nila sa basketball.


"Andito na pala kayo," sabi ni Aries. "Ano bibilhin nyo?" Tanong nito.


"Pagkain," sagot ni Laurice.


"Malamang pagkain, anong klaseng pagkain?" Tanong pa nito.


"Kahit ano, tabi nga dyan." Naglakad papunta sa pila si Laurice.


"Tingnan mo yun," napakamot sa ulo si Aries.


Tatawa tawa naman kaming sumunod kay Laurice. Napatingin ako sa mga kateam nila sa basketball. Nagtama ang paningin namin nung Captain Ball nila, hindi ko alam ang pangalan nya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya agad akong umiwas.


"Bilisan mo!" Bahagya akong tinulak ni Tom.


Sinamaan ko sya ng tingin. "Edi mauna ka, hindi naman ako bibili!" Sabi ko sa kanya.


Dear Heart, Why Him? (Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon