Kabanata 3
Delete
"Nakikinig ka ba?" Isang malakas na hampas sa braso ang dahilan kung bakit ako bumalik sa reyalidad. "Ha?" nalilitong bulalas ko. Hahampasin na naman sana ako ni Debi ng mabilis akong tumayo.
"Gosh! One week ka ng ganyan, Annie. Hindi mo pa rin ba nakakalimutan ang ginawang body shot sayo ni Arc?" Akusa ni Debi. Uminit bigla ang pisngi ko ng maalala ang halik na ginawad sa akin ni Archangel. That night is a fucking mistake. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil tumugon ako ng halik sa lalaking 'yon. Hindi naman ako masyadong lasing. Kaya bakit hindi ko siya nagawang itulak palayo sa akin?
"Oh shut up, Debi! You're wrong!" Hindi ko naisantabi ang galit ko para sa sarili. Nanlaki ang mga mata niya. Hahampasin sana ulit ako ng mabilis akong nakalayo sa kanya.
"Bakit galit ka?!" Aniya sabay nguso. Tumawa ako. I'll set aside my anger.
"Nope. And Debi naman, don't say that again. What if bigla na lang dumating dito sa bahay si Havoc? What if marinig niya 'nyan? Magagalit siya sa akin." Yung pagnguso niya, napalitan ng simangot. "As if, pupunta 'yon dito. Take note, Annie, One week na rin siyang walang paramdaman sayo. Alam niyang semestral break mo kaya bakit hindi ka man lang binibisita? Don't love him so much. Ikaw lang ang masasaktan sa huli." I heave a pained sigh. She was right. Havoc is not texting or calling me. And also, he never visited. Alam 'yon ng parents ko pero nanatili silang tahimik. Kahit isang salita, hindi sila nagtanong. And proud of that. Because once they asked me, I don't know what I gonna say. Wala naman kaming pinag-awayang iba kung hindi lang yung tungkol sa talyer sa Laguna.
"He's busy. And I understand. Busy din naman tayo sa gagawin nating report—-"
"Tapos na tayo sa report, Annie. Just face the truth. Wala na siyang time sayo. O magkakaroon pa ba siya ng time. Wake up. He's not worth it." Nasaktan ako sa sinabi ni Debi pero tama siya. Kung may problema kaming dalawa, pwede naman pag-usapan. Bakit kailangan pang hindi siya magparamdam? Hindi na ba niya ako mahal? Dahil lang ba sa pinag-usapan namin, nawala na lang bigla ang pagmamahal niya sa akin? Ganoon na lang ba ang mangyayari sa loob ng tatlong taon na pagsasama namin?
Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Debi. Patuloy ang pag-alo niya sa akin sa pamamagitan ng paghimas ng likod ko.
"Stop crying, Annie. If he loves you, he probably went here to consoled you. Give your self a time to think about his like. If he want to go to Laguna to manage the Talyer Shop, why not? He wants your approval. And maybe your approval is the right word to make peace of your relationship." Tanging hikbi lang ang nagawa ko. Ayokong umalis siya pero kung ganito lang din naman ang mangyayari sa relasyon naming dalawa, bakit nga ba hindi ko siya payagan sa gusto niya? Maybe, ito ang pangarap niya. Bakit ko hahadlangan yon?
"Bilis na, Annie! Pick your clothes! Samahan mo ako sa Club." Here we go again. Ayoko nang sumama sa kanya sa Club. Baka na andoon na naman si Archangel. Sariwa pa rin sa akin ang nangyari noong gabing 'yon. Natatandaan ko pa ang ngisi sa labi niya nung pagkatapos kong tumugon sa halik na binigay niya.
"Ayoko, Debi. Dito lang ako sa bahay. Sabi mo nga, kailangan kong bigyan ang sarili ko ng oras para makapag-isip tungkol sa pag-alis ni Havoc. Kung gusto mo talagang pumunta sa Club, ikaw na lang. Ayokong uminom." Tumaas ang kilay niya. Humalukipkip habang nakatingin sa akin. "Because of your last words, I doubt that about your time, it is because you're afraid to meet Arc at the Club. Gosh, he's not there. Trust me."
Umiling-iling pa rin ako. Kahit na. Hindi nga siya invited noong pumunta kami sa Club tapos nakapunta siya. Paano pa kaya ngayon? Sigurado akong na andoon siya ngayon. Maybe, kasama na ang girlfriend niya.
BINABASA MO ANG
Claimed by a Bachelor [Completed] [Watty's 2020]
Любовные романыAnnabella Hanezza De Jesus is a simple girl with a highest dream... to become a police woman. Hindi malupit sa kanya ang kanyang mga magulang. They love her with all they heart. Lahat ng gusto niya, okay lang sa kanyang mga magulang. Lalo na sa pag...